CHAPTER 21

118 13 4
                                    

Author's Note: Hi! Thank you for waiting! Here's an update! Happy reading, everyone! 💕

-----

CHAPTER 21
Three Teams

"ANO kayang mangyayari bukas?" tanong ni Hira sa amin.

Nakabalik na kami sa dorm namin pagkatapos na pagkatapos ng huling laban kanina. Ang tanging sinabi lamang sa amin nila Sir Sendo ay agahan ang dating sa field bukas at 'wag kalilimutang kumain ng umagahan. Isang araw lang ba ang quest? Hindi manlang nila kami sinabihang magdala ng damit o ng kahit na ano.

"Wala akong idea," sagot ni Sena.

"Ako rin," sambit naman ni Ian.

"Kinakabahan ako na naeexcite. Ngayon nalang tayo makakalabas muli ng Academy," nakangiti nang ani Hira. Mukhang nag-iimagine pa ito ng mga mangyayari bukas.

Kaagad na umiling si Ian. "May sinabi bang sa labas magaganap ang quest bukas? Parang wala namang sinabi, 'di ba?" anito.

Kaagad na nawala ang ngiti ni Hira. Nalungkot ito sa sinabi ni Ian.

"Pero mas malaki ang chance na sa labas tayo bukas, Hira," ani ko. Kaagad akong nilingon ni Hira. "'Wag kang maniniwala d'yan kay Ian. Pinagtitripan ka lang n'yan," paninira ko kay Ian.

Akmang aalma si Ian nang biglang magsalita si Sena. "Kaya nga! Napaka nitong Ian na 'to, e, pinagtitripan si Hira," gatong nito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ian. Siya kasi bigla ang napagpasyahang pagkaisahan. Sa pang-aasar talaga kay Ian kami kaagad na nagkakasundo ni Sena.

"Kailan ba ako nanalo sa inyo?" may paghihimutok na ani Ian.

Aasarin pa sana namin ito ni Sena nang pumasok sa loob ng dorm sina Rei at Maltese.

"Anong sinabi sa 'yo?" tanong kaagad ni Sena kay Rei. 

Kinausap kasi nina Sir Sendo at Miss Sho sina Rei at Iwa na magpaiwan noong dinismiss nila ang training kanina.

"Sinabi lang na siguraduhing present tayong lahat bukas. Sinabihan din ako na sabihin sa inyo na 'wag magdadala ng kahit na ano bukod sa sarili niyo at sa training clothes niyo. Pati ang mga pin niyo ay pinakokolekta ngayon," mahabang ani Rei.

"Bakit? Anong gagawin sa pin natin?" tanong ni Hira.

Nagkanya-kanya kaming alis ng mga pin sa damit namin. Nasanay na kasi kami na palagi itong nakakabit sa damit namin. Magmula ba naman noong 12 years old kami ay may ganito na kami.

Inabot namin kay Rei ang mga pin namin.

"Tracker," maikling sagot ni Rei.

Napabuka ng bibig sila Sena, mga namangha.

"Mayro'n na 'to dati pa, 'di ba?" ani ko. 

Nilingon ako ni Rei. "Iaupgrade ata," anito. "Hindi rin ako sigurado kaya baka magstay ako sandali sa Tech. Department. Mauna na kayong kumain kung sakali."

Tinanguan namin si Rei kaya naman tumalikod na ito para umalis ulit. Pumunta lang talaga siya ng dorm para kuhanin ang mga pin namin.

"Mukhang tama nga si Hira," ani Ian. "Lalabas nga tayo ng Academy."

Gumaan ang atmosphere sa dorm. Mukhang lahat kami ay nasiyahan dahil makakalabas kaming muli ng Academy. Naputol kasi ang paggagawa namin ng missions kaya naman matinding excitement ang nararamdaman namin ngayon.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon