SPECIAL CHAPTER 1

109 13 8
                                    

Author's Note: Hi! Namiss niyo ba si Mirai? Here's a special chapter, everyone! Also, hindi pa ending, malayo pa 'yon. Kalma lang tayo HAHAHAHAHHAHA. Happy reading! 💕

-----

SPECIAL CHAPTER 1
What Happened to Mirai?

"HANGGANG kailan mo balak magmuni-muni?" tanong sa akin ni Shinyu.

Hanggang kailan? Hindi ko rin alam.

"Alam mo bang tatlong araw na ang nakalipas sa lupa magmula nang mawala ka?" dagdag pa ni Shinyu.

Napamaang ako sa gulat sa sinabi niya, "Ha?" tanong ko. Tatlong araw? Tatlong araw pa lang?!

Maliit na ngumiti ito sa akin. "Walang oras dito sa Vanishing Point kaya hindi mo napapansin pero kung ikukumpara sa normal na oras, higit na mabagal ang paglipas ng oras sa lupa," anito.

"What's up?" biglang sabat ni Kage. Nakabalik na pala siya.

"Ang tagal mo," ani Shinyu dito bago nilapitan ang huli. "Akin na ang mga pinabili ko," saad pa nito bago kinuha ang mga paper bag na hawak hawak ni Kage.

"'Yan lang talaga ang kailangan mo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Kage. "Hindi mo manlang ba tatanungin kung kumusta ang misyon ko?"

Kaagad na umiling si Shinyu. "Wala akong plano," anito bago bumaling sa akin. Lumaki ang pagkakangiti ni Shinyu. "Nagpabili ako ng mga damit at mga pagkain!" excited na anito. 

"Hoy, Hika---" hindi na itinuloy ni Kage ang sasabihin niya dahil kaagad na tumakbo si Shinyu patungo sa kusina. 

Natira kaming dalawa ni Kage sa sala.

"Mukhang wala ka ring balak na mangamusta kaya ikaw nalang ang kukumustahin ko. Kumusta? Hanggang ngayon ba ay nagmumukmok ka pa rin?" 

Agad na sinamaan ko ng tingin si Kage. "'Wag mo akong kausapin," sambit ko.

Tumawa ito ng bahagya. "Hindi kita maintindihan, Mirai," anito. 

Nilingon ko ito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Simula nang dumating ka dito ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang tumulala lang."

"'Yon lang ang nasa deal, Kage. I'll stay here and the Time Reaper will help me," ani ko.

Sumeryoso bigla ang mukha ni Kage. Kapag ganito ang itsura niya ay doon ko lang naaalala na mas matanda siya sa akin. Halos magkapareho kasi sila ni Kuya ng personality. "Oo nga at 'yon lang ang kasama sa usapan niyo ni Tito Karito pero do your part. Wala ka bang utang na loob manlang? Hindi mo ba alam na malubha ang pakiramdam ni Tito ngayon? Hindi porke't immortal siya ay hindi na siya nakakaramdam ng sakit, Mirai. And this happened because he helped you," parang disappointed na ani Kage.

 "W-What did you say?" 

"I know that you heard what I said, Mirai. Hindi sa sinisisi kita pero gusto kong may marealize ka. Ang sa akin lang ay be more sensible. Tsaka alamin mo kung bakit ka narito. Bakit 'yon ang hininging kapalit sa 'yo?"

"Dahil gusto ng Time Reaper ng kasa---" Kaagad na pinutol ni Kage ang sasabihin ko.

"Kung iniisip mong malungkot lang si Tito Karito kaya pinagstay ka niya rito, pwes nagkakamali ka. Hindi siya gano'n kababaw," ani Kage na nagpatahimik sa akin. "I'll go ahead. Magpapahinga lang ako sandali."

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon