CHAPTER 1

136 16 0
                                    

CHAPTER 1
Back to Dorm

"WELCOME back," bungad sa akin ni Ian pagkapasok na pagkapasok ko ng dorm.

"Andito na rin kayo?" gulat na tanong ko. Akala ko ay kami lang ni Rei ang babalik na rito?

"Obviously," ani Sena na nasa sala pala. Katabi nito si Hira na nagbabasa ng libro.

"What's up?" bati ni Hira habang nasa libro pa rin ang kanyang paningin.

"Hmmm," sambit ko. "Si Rei?" tanong ko sa kanila.

Nagkibit-balikat si Ian. "Wala pa. Tayong apat pa lang ang nandito," anito. Apat? Tsk, parang ayoko munang makarinig ng bilang.

"Ah," sambit ko. "Akyat na muna ako sa taas."

Matapos kong magpaalam ay umakyat na ako kaagad. Mukhang busy kasi sila at wala rin ako sa wisyo na mangulit ngayon.

"Anong problema no'n?" dinig kong tanong ni Ian.

Hmmm. Ano nga bang problema ko? Parang mas naging sensitive ako ngayon. Nabastos ko na naman ata si Papa. Kailangan ko talagang ayusin ang temper ko. Pumapalya palagi, e.

Nang makapasok ako sa kwarto namin ay dumaretso ako sa lagayan ko ng gamit. Inilapag ko ang mga gamit na dala ko at saka ako umupo sa sofa na naro'n.

Our dorm is a two-storey house. Nasa second floor ang dalawang malaking kwarto. Isa sa mga babae at isa para sa mga lalaki. They're really big kaya naman wala kaming reklamo. Bukod pa ro'n ay may rooftop at basement ang bahay.

Inumpisahan kong iayos ang mga gamit ko. Ang dami ko pa lang naiwan sa bahay.

Kinuha ko ang mga librong dala ko at saka ito inilagay sa maliit na bookshelf ko.

Hmmm. Nasaan kaya yung paborito kong libro? Wala 'yon sa bahay kaya naman inaasahan kong narito 'yon sa dorm.

Natulala ako sandali. May naalala akong memorya ko na may kaugnayan sa paborito kong libro.

"Hoy, Lil Sis! Tara na!"

Umakbay ako sa babaeng tinawag kong 'Lil Sis' bago ko ito hinila. Hindi ko makita ang mukha nito pero mukhang ito na 'yon. Sign na 'to na may kapatid talaga ako at mas bata ito sa akin.

"Bitaw nga, Kuya! Ambigat ng braso mo, e!" sigaw sa akin nito bago sinubukang alisin ang braso ko na hindi naman niya maalis alis. Kuya? It sounds familiar.

"Nasaan na kaya si Tito Reon? Isang linggo na mula noong makabalik tayo dito sa Academy pero hindi na natin siya ulit nakita," pambabalewala ko sa pagsubok niyang tanggalin ang braso ko.

Ngumiti ito sa akin. Teka, ngumiti? Paano ko nasasabi 'yon, e, hindi ko naman nakikita ang mukha niya. "Kuya kapag nakita mo siya ngayong araw ay akin nalang yung isang libro sa shelf mo, ha? Thank you!" daredaretsong sabi nito sa akin.

"Alin doon?" tanong ko.

"Yung paborito mong libro, Kuya," sagot nito sa akin. 

I shrugged my shoulders. "Okay, hindi ko naman siya makikita ngayon, e," ani ko na ikinangiti na naman nito.

Ibig palang sabihin ay nasa kanya ang paborito kong libro. Nasaan naman kaya siya? At saka bakit hindi ko malinaw na nakikita ang mukha niya. Maging ang pangalan niya ay hindi ko rin alam.

Saan ba ako mag-uumpisa para mahanap siya?

-----

"A-Argh."

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon