CHAPTER 12

98 14 3
                                    

Author's Note: Hi! May favorite characters ba kayo or someone you want to see more? I just want to ask although hindi ko naman babaguhin ang plot HAHAHHAHAHAHA. God bless, everyone! Keep safe! 💕

-----

CHAPTER 12
I'll Help You Halfway

"WHERE are you heading?" tanong sa akin ni Hira nang makita ako nitong liliko at iiba ng direksyon.

Nilingon ko ito. "Magpapahangin lang," ani ko bago ako nag-iwas ng tingin. I have decided. I'll distance myself from distractions. I'll focus on my training and on finding out where my sister is. I can't drop my little sister's case after all.

"Can't we tag along?" tanong ni Sena. "Magpapahangin din kami, Koku. Saan ka ba tumatambay?"

Kumunot ang noo ko bago ko ipinilig ang ulo ko. What's with them?

"Let him be, Sena," rinig kong ani Ian. "Everyone needs an alone time."

Walang nagawa si Sena kundi ang tumango. Nakuha nito ang pinupunto ni Ian na ayoko ng kasama.

Tinapik ni Rei ang balikat ko. "Sige na, magpahangin ka na. Sa cafeteria lang kami kung susunod ka," anito bago ako tinalikuran.

Sinenyasan ni Rei ang mga kaibigan namin na maglakad na kaya naman nauna na sina Sena at Ian.

"Tara na, Hira," aya ni Rei kay Hira na nakatingin pa rin sa akin.

Nag-iwas ng tingin si Hira bago ito tumalikod. "Okay," ani Hira.

Naglakad sila palayo kaya naman naglakad na rin ako patungo sa kabilang direksyon.

Magpapahangin? Mukha mo, Koku. Mga magpapahangin, e.

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko. What now? Saan ba ako mag-uumpisang maghanap sa kapatid kong pilit itinatanggi ng lahat na mayro'n?

Wala sa sariling dinala ako ng mga paa ko sa garden. Bakit papunta na naman ako rito?

Natanaw ko sina Mirai at Kash na pumasok sa garden. Napapadalas na rin ang pagtambay nila rito, ah?

Hindi ako sumunod sa loob. Nanatili ako sa labas ng garden para mag-isip. Wala akong clue kung bakit hindi malinaw sa akin ang tungkol sa katauhan ng kapatid ko.

Sigurado akong totoong may kapatid ako kahit pa sabihin ng lahat na wala dahil hindi ako lilinlangin ng sarili ko. Kailangan ko lang bumalik sa nakaraan. Hahanapin ko siya at aalamin ko kung anong nangyari sa kanya.

Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Mama noong nakaraan.

"'Wag mong balikan ang mga kaganapan nitong mga nakaraang buwan simula noong makabalik ako ng Academy."

Babalik ako. Babalikan ko ang mga nangyari noong makabalik si Mama dito sa Academy. Paniguradong may nakatagong dahilan ang sinabi ni Mama.

Nag-umpisang sumakit ang ulo ko. Kailan ako magtatime travel? Hindi pupwedeng pabigla-bigla ako dahil baka may magbago sa kasalukuyan nang hindi ko sinasadya.

Natulala nalang ako. I'm doomed. Ano bang magagawa ko kung napakahina ko? Gaya ng sinabi ni Mama, kailangan kong magpalakas. Paano ko mahahanap ang kapatid ko kung hindi ko mapalabas ang buong potensyal ng Tokushu Nōryoku ko? Baka ikapahamak ko, namin ng kapatid ko, ang binabalak kong gawin kung pabara bara ako.

Napakuyom ako ng mga kamay. Okay, I'll stick with my training first. Tomorrow morning, I'll talk to Sir Azamuku para maumpisahan na ang special training ko.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon