CHAPTER 19

135 16 5
                                    

Author's Note: Hi! Long chapter ahead. Also, 'wag kayong mag-expect maigi at baka madisappoint kayo. Sinusunod ko kasi ang mga plano ko para sa story na 'to. Anyway, happy reading! 💕

-----

CHAPTER 19
Joint Class 2.0

"ANONG ginagawa mo rito, Koku? Hindi ba't nagtraining na tayo kaninang umaga? Ipagpahinga mo rin ang sarili mo, 'wag mo masyadong pwersahin," ani Sir Azamuku nang lumabas ito sa faculty room nila.

Dito ako dumaretso pagkatapos kong kausapin si Mirai kanina.

"Mirai," tawag ko kay Mirai nang akmang aalis na sila. Natapos ang huling laban at sila ni Kugutsu ang nanalo.

"Kuya," ani Mirai pagkakita sa akin. Nilingon nitong muli ang mga kapwa niya A-Class. "Mauna na pala kayo. May pag-uusapan pa kami ni Kuya Koku," anito.

Nagtanguan sila Kash at saka nagpaalam sa aming Q-Class at kay Mirai.

"Sa dorm na kami dadaretso," ani Rei sa akin. "Sumunod ka nalang. May pag-uusapan din tayo."

Tinapik nila ni Ian angt balikat ko habang tinanguan naman ako nina Sena at Hira.

"Kung gusto mo, Mirai, sa dorm ka nalang din namin maghapunan," alok ni Hira kay Mirai.

Kaagad na ngumiti si Mirai bago ito marahang umiling. "May naunang plano na ako, e. Next time, sasabay ako sa inyo," anito.

Tumango si Hira at saka sinenyasan sila Rei na mauna na sila. 

Nagsunuran naman ang mga ito at naiwan kami ni Mirai sa training room. Nauna na rin kasing umalis sina Miss Sho at Sir Sendo pagkatapos na pagkatapos ng huling laban kanina. May kailangan pa raw silang asikasuhin at magkita nalang kaming muli bukas.

"Bakit?" tanong sa akin ni Mirai.
"Sigurado na ako," panimula ko. 

"Saan?"

"Na may kapatid ako. May nakababatang babaeng kapatid ako, Mirai," ani ko.

Nanlaki ang mga mata ni Mirai bago ito napalunok. "Alam mo na kung sino siya?" gulat na ani Mirai.

Tumango ako. "Oo, at ikaw lang ang makakatulong sa akin na makita siya," ani ko.

Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Mirai. "Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.

"Si Hikari," ani ko. "Siya ang kapatid ko at kailangan kong makita siya." 

Natulala si Mirai. "Anong pinagbasehan mo?" tanong nito nang makabawi.

"Naiwanan ni Hikari ang libro niyang may mga guhit noong nagkita kayo sa Mall. Nakaguhit do'n ang mga nakitang scenario sa hinaharap ni Hikari. Naaalala kong nakakakita ng glimpses of the future ang kapatid ko," ani ko.

Hindi nakapagsalita si Mirai. 

"Tulungan mo akong makausap siya. Ikaw lang ang kilala ko na makakatulong sa akin," ani ko. 

"Sigurado kang siya ang kapatid mo?" paninigurado ni Mirai.

Tumang-tango ako. "Oo, hindi ba't kaya rin nagagamit mo ang observation skills mo upang maanticipate ang mga susunod na hakbang ng kalaban mo ay dahil nagkasama kayo ng kapatid ko?"

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon