CHAPTER 4

90 14 0
                                    

Author's Note: Hi! Baka lang hindi niyo napansin pero may isang special chapter sa book 1 at malaki ang magiging role no'n dito sa book 2. Kindly read it first before jumping here kung hindi niyo pa 'yon nababasa. Thank you!

-----

CHAPTER 4
Mirai and Kashikoi's Friendship

"GOOD morning, A-Class!" bati ni Miss Yonda sa loob ng classroom ng A-Class. 

Today is my first day as an A-Class student. Kalalabas ko lang din kasi ng ospital kaya naman ngayon lang rin ako makakaattend ng mga klase. 

I don't know anyone. Kaya ko ba 'to? Ngayon lang din ako magkakaroon ng pagkakataon na pormal na makapag-aral magmula nang isilang ako.

Naiiling na napabuntong hininga ako. Sana ay kasama ko sila Kuya Koku. Edi sana, hindi ako kinakabahan ng ganito.

"You'll have new classmates today," ani Miss Yonda, hudyat na pwede na kaming pumasok. Wait, kami? 

Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko ang isang babae. Mukhang siya ang tinutukoy ni Miss Yonda bukod sa akin dahil nakauniporme ito at may pin na rin ng A-Class na nakakabit sa damit nito katulad ko.

"Pasok na kayo."

Ni hindi ko manlang napansing pinuntahan na pala kami ni Miss Yonda sa labas dahil nanatili akong nakatitig sa babae. Parang nakita ko na siya dati.

Pumasok kami ng classroom gaya ng sinabi ni Miss Yonda. 

"Magpakilala kayo," sabi pa ni Miss Yonda.

Napalunok ako bago ko iginala ang paningin ko. Dalawang babae at tatlong lalaki ang naroro'n na pareparehong nakatingin sa akin na animo kinikilala ang buong pagkatao ko sa pamamagitan ng mga titig nila. 

Ayon kay Miss  Yonda nang kausapin ako nito kahapon, kung ikukumpara sa Q-Class ang ibang mga klase ay makikitang walang pinal na lineup ng mga estudyante ang mga ito. Kada taon kasi ay nagkakaroon ng ranking para sa apat na klase at nagkakaro'n ng lipatan ng class. 

"I'm Kashikoi Techno. You can call me 'Kash'. Nice meeting you all," pakilala ko. Bumakas ang interes sa iba kong kaklase nang marinig nila ang apelyido ko. Mukhang hindi nila inaasahan na may Techno pa na nag-eexist.

"Next," ani Miss Yonda bago tiningnan ang babaeng nasa gilid ko.

Ngumiti ang babae bago niya igala ang tingin niya. Parang nagkaroon ng magaang atmosphere bigla sa room pwera nalang sa isang gilid dahil madilim ang tingin sa kanya ng babaeng naro'n. Anong mayro'n?

"I'm Mirai Ak-McGarden. Nice to meet you all," anito habang unti-unting nawawala ang kislap sa mga mata niya bagama't may ngiti pa rin sa mga labi niya.

"Okay, take your seats, Kash, Mirai," ani Miss Yonda.

Sumunod naman kami rito at saka kami umupo sa dalawang bakanteng upuan na nasa dulo. Siya sa kanan at ako naman sa kaliwa. 

"The rest of the A-Class, kindly introduce yourself for your new classmates," ani muli ni Miss Yonda. 

Tumayo ang lalaking pinakamalapit sa pintuan. "My name's Habu Chishiki. I'm an Iyashi," pakilala nito.

Sunod na tumayo naman ang lalaking katabi ni Kuya Habu. Mukhang ako ang pinakabata sa klaseng 'to kaya naman napagpasyahan kong ikukuya at iaate ko sila. 

"I'm Iwa Rifuta, a rock lifter," pakilala ni Kuya Iwa. Kung ikukumpara sila ni Kuya Habu ay hindi hamak na mas batak ang katawan ni Kuya Iwa kumpara kay Kuya Habu na may kapayatan.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon