CHAPTER 25

131 15 12
                                    

Author's Note: Hi! It's been a while. Thank you for patiently waiting. (If you want to ask kung bakit hindi kaagad nakapag-update, you can check my message board.) Also, mabilisan ang pacing sa chapter na ito kaya naman be more attentive nalang. Keep safe, everyone! Love lots! 💕

-----

CHAPTER 25
Reunited

"DUMATING kaya siya?" tanong ko sa asawa kong si Jikan.

Ikalawang araw na kasi ito ng pag-iintay namin kay Seikatsu. Ito lang kasi ang makakatulong sa amin na makausap si Karito, ang kakambal ni Jikan na isang time reaper.

"Darating siya, kailangan lang nating maghintay," ani Jikan.

Natahimik nalang ako. Kumusta na kaya ang Academy? Ayos lang kaya ang anak ko? Hindi gaanong maganda ang naging huling usap namin noong nakaraan.

"Anong inisip mo?" tanong sa akin ni Jikan.

"Hmmm, 'yung mga sinabi ni Koku noong nakaraan," ani ko.

Nag-iwas ng tingin sa akin si Jikan. Tumanaw ito sa malayo na animo napaisip din bigla.

"Pakiramdam ko ay kailangan nating pagtuunan ng pansin ang mga sinabi ni Koku," dagdag ko pa. "Pagkabalik na pagkabalik natin ay kakausapin ko siya."

Lumipas ang halos isang minutong pananahimik namin.

"Gunshi," tawag ni Jikan sa pangalan ko.

Kaagad ko itong tiningnan. "Hmmm?"

Unti-unting tumaas ang isang gilid ng labi nito. "Pinagtutuunan na natin ng pansin ang sinasabi ng panganay natin," anito. Panganay namin? May anak pa nga kami bukod kay Koku? Bakit hindi ko alam?!

Bago ko pa man masabi ang mga iniisip ko ay nakatanaw ako ng isang bulto ng tao mula sa malayo. Marahan itong naglalakad at papalapit ito ng papalapit sa amin.

"Andito na siya. Hinarap na rin niya tayo," bulong ni Jikan sa gilid ko.

Seikatsu. Andito na si Seikatsu na siyang maghahatid sa amin sa Vanishing Point kung saan namamalagi si Karito.

"Anong sadya niyo rito?" bungad sa amin ni Seikatsu kahit pa mahigit sampung metro pa ang layo nito sa amin.

"Kailangan naming makausap ang kakambal ko, Seikatsu," ani Jikan.

Hindi nagbago ang walang emosyong itsura ni Seikatsu. Nanatili itong may malamig na titig sa amin ni Jikan.

"Kailangan namin ng tulong," ani ko. "Tatanawin kong malaking utang na loob ito kung matutulungan mo kami."

Sinukat ako ng tingin ni Seikatsu. Tinitimbang nito ang mga sinabi ko.

"Nagkakamali kayo ng hinihingian ng tulong. Huling tulong na ang ibinigay ko sa inyo noon, Jikan," ani Seikatsu na nakatingin na kay Jikan. "Sosobra ka na."

"Ang anak ko," biglang ani Jikan. "Anong ginawa niyo sa anak ko?"

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang saglit na panlalaki ng mga mata ni Seikatsu.

"Wala kaming ginagawa kay Koku, Jikan," ani Seikatsu bago ito tumalikod. "Makakaalis na kayo."

Naglakad papalayo si Seikatsu.

"Hindi kay Koku," mabilis na ani ko. "Sa bunso namin. Anong ginawa niyo sa nakababatang kapatid ni Koku? Bakit hindi namin siya maalala?"

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon