CHAPTER 20

115 18 4
                                    

CHAPTER 20
Joint Class 3.0

"TARA na," yaya sa amin ni Hira matapos naming kumain. "'Wag na tayong tumambay dito sa cafeteria. Sa training room na tayo tumigil para hindi na rin hassle."

Nagsitango kami nila Sena. Mabuti na ngang mauna kami dahil laging kami ang nahuhuling dumating. Baka madagdagan pa lalo ang sama ng loob ng mga taga A-Class sa amin.

Tahimik kaming nagtungo sa training room. Kagaya ng inaasahan ay wala pa rito ang A-Class. Maging sina Sir Sendo at Miss Sho ay wala pa rin. 

"Ang tahimik," mahinang kumento ni Ian na narinig naming lahat.

Kanya-kanyang tulala kasi ang nangyari matapos naming magsiupo.

"Tatawagin ko si Maltese," ani Rei bago ito tumayo.

Sinundan lang namin ng tingin ang huli.

"Ang pangit ng mood ni Rei," bulong sa akin ni Hira.

Tinanguan ko ito. "Hayaan nalang natin. Magiging ayos na rin 'yon pagbalik niya," ani ko.

"Pero kung hindi pa rin," biglang ani Sena bago ito ngumiti ng nakakakilabot. "Sa kanya ko gagamitin ang mga natutunan ko sa training ko."

Nanlaki ang mata ni Hira. "Hindi mo pa ipinapakita ang mga natutunan mo?" gulat na anito.

Ngumisi si Sena bago ito sumandal sa pader. "Hindi mo dapat ipakita ang lahat ng kaya mong gawin ng basta basta, Hira. Magtira ka ng surpresa," anito.

Tiningnan ako ni Hira na animo tinatanong kung bakit hindi ako nagulat. 

"I saw it," kibit-balikat na ani ko. I could see someone's past after all. "I saw it earlier when I saw the excitement on Sena's eyes."

Sumimangot si Hira sandali bago ito natahimik. Wala nang nagsalita muli sa amin hanggang sa makabalik si Rei kasama si Maltese. Kagaya ng inaasahan ay mukhang maayos-ayos na ang mood nito. Mabuti naman.

Hindi rin nagtagal ay pumasok ang A-Class sa loob ng training room. Awkward. Ayaw ko man ay wala akong nagawa. Kusang bumigat ang atmosphere sa loob. Nagkaroon ng tensyon. 

Kakaiba ang katahimikan na mayroon. Nakakasakal. Pinanonood ng mga taga A-Class ang bawat kilos namin. Gusto ba talaga nila ng away? Hindi ba't ang tatanda na namin para do'n?

Halos batukan ko ang sarili ko sa mga naisip ko. Feeling matured kahit hindi naman. Tsk.

"Ang aga niyo, ah?"

Halos hindi ko napansin si Sir Sendo na pumasok sa loob ng training room. Nalaman ko nalang na pumasok ito nang magsalita ito. 

Kasunod na pumasok ni Sir Sendo si Miss Sho. Malaki ang ngiti nito na animo masayang masaya sa mga nangyayari sa paligid niya.

"Mag-umpisa na tayo?" excited na ani Miss Sho.

Nagtungo sina Miss Sho at Sir Sendo sa gitna kaya naman nagsiayos kami ng upo. Mukhang maaga ngang uumpisahan ang battles. 

Akmang magsasalita nang muli si Miss Sho nang may ibulong si Sir Sendo rito. Natigilan si Miss Sho na animo may naalala bigla.

Umubo-ubo si Miss Sho bago kami nito tiningnan isa-isa. "Bago mag-umpisa ang third round ng battles, iaannounce lang namin na importante ang bilang ng wins at losses niyo para sa event na dadaluhan niyo bukas," anito.

"Obviously, kung marami kayong panalo, things will be in your favor. Magkakaroon kayo ng advantage compared sa iba na mamili ng," ani Sir Sendo bago ito ngumisi. "Oops, masyado na palang naparami ang sinabi namin," biglang tapos nito sa sinasabi niya kanina. 

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon