CHAPTER 18

114 16 16
                                    

Author's Note: Hi! Long chapter ahead. Happy reading, everyone!

-----

CHAPTER 18
Joint Class

"ANDITO na tayo," ani ko bago ko pinatay ang makina ng sasakyan ko.

Naging tahimik lamang ang byahe namin ni Mirai dahil nakatitig lang ito sa librong ibinigay sa kanya ni Koku.

"Ah, oo nga, 'no?" ani Mirai. "Salamat sa paghatid, Rei."

Inalis ni Mirai ang seat belt na suot niya. Akmang bababa na ito kaya naman dali-dali akong lumabas ng kotse ko para pagbuksan siya ng pinto.

"Salamat," sambit muli ni Mirai matapos nitong tuluyang makalabas ng sasakyan.

Maglalakad na sana ito palayo nang maisipan kong magtanong.

"Bakit ka nga pala natulala sa librong ibinigay ni Koku kanina, Mirai?" tanong ko.

Nginitian ako ni Mirai bago nito inangat ang libro. "May naalala kasi ako rito," anito.

"Ano 'yon? Pwede ko bang malaman?"

"Nabasa ko na kasi 'tong libro na 'to dahil paborito ito ng Kuya ko," ani Mirai. Kuya niya?

"May Kuya ka?" gulat na tanong ko.

Tumango si Mirai bago ito natawa. "Oo, ipapakilala ko siya sa inyo kapag pinuntahan niya na ako," anito. Tumanaw si Mirai sa madilim na langit. "Mukhang malapit na niya akong maalala."

Maalala? Maalala lamang ang tanging narinig ko ng maayos sa ibinulong niya dahil may dumaang sasakyan. Bukod pa ro'n ay panandalian din kasi akong nadistract sa namamasang mga mata ni Mirai.

"Ano ulit yung sinabi mo?" tanong ko. 

Nginitian lang ako ni Mirai. "Wala 'yon. Akyat na ako," anito bago nito itinuro ang building ng dorm niya. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Rei."

Wala akong nagawa kundi ang tumango dahil nilagpasan na ako ni Mirai. Tinanaw ko nalang ito hanggang sa tuluyan siyang makapasok sa building ng dorm niya.

She's so mysterious. How can she feel so familiar?

-----

"SAAN ka uuwi, Kash, Anak? Sa dorm mo o sa bahay?" tanong sa akin Mama habang nakasakay kami sa sasakyan ni Tito Reon.

Katatapos lamang naming magbonding na tatlo. Nagpicnic kami, nagkwentuhan, at naglibot sa buong Academy. Tinupad ni Tito Reon ang sinabi niyang ililibot niya ako ng Academy.

"Sa bahay nalang po muna ako tutuloy ngayong gabi," ani ko. "Para na rin may kasama ka, Mama."

Nakangiting tumango si Mama sa akin. Bumaling naman ito kay Tito Reon. "Sa bahay kami Reon. Do'n mo kami ibaba ni Kash."

Tumango si Tito Reon sa sinabi ni Mama. Eksaktong nadaanan namin ang building ng dorm ko at natanaw ko sa katabing building nito sina Ate Mirai at Kuya Rei na nag-uusap.

"Mama," tawag ko kay Mama. "'Yon si Ate Mirai." Itinuro ko pa ang huli.

"Hmmm? Yung sinabing mong kauna-unahang kaibigan mo sa A-Class?" tanong ni Mama habang nakatingin na rin kay Ate Mirai.

Tumango ako. "Siya nga po 'yon," ani ko. "Saka nga pala, Ma, tutulungan ako ni Ate Mirai sa pagtetraining. Magaling siyang makipaglaban, bukod pa ro'n ay matalino rin siya."

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon