CHAPTER 14

93 16 4
                                    

CHAPTER 14
Training Room 2.0

LUMIPAS ang limang minuto. Nanalo by default si Ate Mirai dahil hindi siya napatumba ni Kuya Tori.

"Ayos lang 'yan, gan'yan talaga, Tori," ani Ate Kugutsu nang makalapit sa amin si Kuya Tori. Talagang may nagbago kay Ate Kugutsu matapos ng laban nila ni Ate Mirai kanina.

Maliit na nginitian lang ni Kuya Tori si Ate Kugutsu at saka siya dumaretso sa gilid ni Ate Yume.

"Sinong susunod?" tanong ni Kuya Iwa sa amin.

Nagtaas ng kamay si Kuya Habu. "Ako, Iwa," anito bago ito tumayo. "Although alam naman na natin kung anong mangyayari. 'Wag na kayong mag-expect ng magandang result sa parte ko."

Tumango si Kuya Iwa. "Sige, Habu, pumunta ka na do'n at lumaban ka muna bago mo sabihing talo ka na. Hangga't hindi pa tapos ang laban ay walang makakapagsabi kung talo ka na o panalo," anito.

"Hmmm," ani Kuya Habu bago ito lumapit kay Ate Mirai.

Umangat nang muli ang salamin para protektahan kami sa magiging laban nina Ate Mirai at Kuya Habu.

"Who do you think will win?" mahinang tanong sa akin ni Ate Yume.

"A-Ah, hangga't hindi pa tapos ay hindi natin malalaman, Ate Yume," ulit ko sa sinabi ni Kuya Iwa kanina.

Tinawanan ako ni Ate Yume. "Pero hindi mo maitatangging may naiisip ka na at nakikita mo na kung sino ang nakalalaman. Healer si Habu, si Mirai naman ay hindi. Kung pakikipaglaban lang, talagang panalo na si Mirai, 'di ba?" anito.

"Uuuuh---"

"Joke lang. Mukhang wala ka sa mood para biruin," ani Ate Yume bago ito humarap na at tumingin kila Ate Mirai.

Natahimik nalang ako at saka tumingin na rin kila Ate Mirai. Kinakabahan ako. Ako na ang susunod na lalaban pagkatapos ni Kuya Habu. Automatic na kasing huli si Kuya Iwa dahil siya rin ang leader ng A-Class.

Nagbago ang setting ng kinalalagyan nina Ate Mirai at Kuya Habu. Napunta sila sa gitna ng isang malawak na kalsada. Lugi si Kuya Habu sa lugar na paglalabanan nila.

"Mag-umpisa na tayo," ani Ate Mirai bago ito tumawa. "Kanina pa ko lumalaban dito."

Nginitian lang ni Kuya Habu si Ate Mirai bago siya umatake. Pisikal na laban. Wala naman kasing herbs o mga halaman sa paligid na siyang main ni Kuya Habu.

Kaagad na sinangga ni Ate Mirai ang suntok ni Kuya Habu. Hindi maipagkakailang malalakas din ang mga suntok nito dahil sa tunog na nagagawa nito sa hangin.

"Healers are really good at fighting, especially on a close range battle," kumento ni Ate Mirai habang umiilag ito.

Kumunot ang noo ni Kuya Habu. "May kilala kang healer?" anito.

Tumango si Ate Mirai. "I'm friends with one," anito. Hmmm, saan nga uling lugar nanggaling si Ate Mirai? Sa lugar daw ng mga protector, 'di ba? Ibig sabihi'y may variety din pala ng mga Tokushu sa lugar na pinagmulan niya kung gano'n.

"I'll introduce you to each other when things went well. You could do some research together. My friend's really bright," ani Ate Mirai. Sinong friend kaya ang tinutukoy niya? She looks so happy while talking about her friend.

"What is your friend's specialization?" tanong ni Kuya Habu.

Gusto kong mapapalakpak sa laban nila. Kalmado lamang silang nag-uusap pero inaatake at iniilagan nila ang mga atake ng isa't-isa. Ito siguro ang tinatawag na professionalism.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon