CHAPTER 6

92 14 2
                                    

CHAPTER 6
Sparring Sessions

"KUMUSTA ang ipinagawa ko sa inyo?" tanong ni Ma'am Jikan sa amin ni Seno.

Sa opisina kasi ni Sir Gunshi kami dumaretso pagkatapos ng announcement kanina sa field. Doon kasi kami dumaretso ni Seno matapos naming magawa ang misyong ibinigay sa amin na inabot ng ilang araw.

"Maayos naman po," sagot ko. "Sa katunayan ay nagawa namin ng maayos ang ipinapagawa niyo."

"Hmm? Anong dahilan nila?" tanong ni Sir Gunshi.

"Galit sa atin ang mga nagrerebeldeng Tokushu dahil naniniwala silang tayo ang mali at ang Giin ang tama. Hindi nila gusto ang pagiging independent ng Academy," ani Seno.

"Sa totoo lang ay hindi sila ang dapat tawagin na rebelde. Tayo ang mas katawag tawag na rebelde dahil tayo ang humiwalay at hindi sumusunod sa utos na nagmumula sa palasyo, Sir Gunshi, Ma'am Jikan," ani ko. Ilang taon na rin kasi ang lumipas magmula nang tuluyang talikuran ng Academy ang palasyo.

Tumango si Ma'am Jikan. "May punto ka, Shokubutsu," anito. "Ngunit mas gusto kong malaman kung sino ang nangunguna sa kanila habang wala ang Giin."

"Kaeru," sagot ni Seno. "Kaeru ang pangalan ng Tokushu na nangunguna sa kanila. Napag-alaman naming siya ang kanang kamay ng Giin at siya ang pansamantalang nangunguna sa palasyo habang hindi pa nakakabalik ang Giin."

Dumilim ang mukha ni Ma'am Jikan. "Kaeru," madiing anito. "Buhay ka ngang talaga."

Tumahimik sa opisina ni Sir Gunshi. Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Anong ibig niyang sabihin?

"Makakaalis na kayo," ani Ma'am Jikan sa amin ni Seno bago ito nawala. Nagteleport ito paalis dito. 

Nang tingnan ko si Sir Gunshi ay nakita kong malalim na rin ang iniisip nito. 

"Mauuna na po kami, Sir Gunshi," paalam ko bago ko hinila si Seno palabas. 

"What was that?" ani Seno. "Kilala nila ang Kaeru na nangunguna sa mga may galit sa Academy."

"Hindi ko rin alam pero mukhang kilalang kilala ni Ma'am Jikan ang lalaking 'yon at natitiyak kong hindi maganda ang relasyon nila sa isa't-isa," ani ko.

Sino ba siya? Noong nag-espiya ako ay hindi ko siya nakita ni minsan. Ang alam ko lang ay lalaki ito dahil boses niya lamang ang naririnig ko no'n. Bakit gano'n nalang ang naging epekto ng pangalan niya nang marinig ito nila Ma'am Jikan?

-----

"BABALIK na ako, Kuya," paalam sa akin ni Mirai matapos naming kumain. "Baka hinahanap na nila ako."

Tinanguan ko ito bago nginitian. "Sige, see you around," sambit ko.

Kaagad na tumayo si Mirai bago ito naglakad papalayo para lumabas ng cafeteria. 

Ako naman ay nagtungo sa table namin. Kumakain pa rin si Hira kaya naman naabutan ko pa silang naro'n sa table.

"Hmm, sino 'yon?" tanong sa akin ni Sena. "Taga A-Class 'yon, 'di ba? Close kayo?" 

Pinatutungkulan ni Sena si Mirai na siyang kasabay ko kaninang kumain. 

"Si Mirai 'yon mula sa A-Class at oo, close kami," sagot ko sa mga itinanong sa akin ni Sena.

"Hmmm, okay," kibit-balikat na ani Sena bago ito bumaling sa pagkain ni Hira. "Ang tagal mong kumain ngayon, Hira," kumento ni Sena. 

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon