SPECIAL CHAPTER 4

88 8 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 4
Bonding with Them

MAG-ISA akong naglalakad pabalik sa dorm ko. Galing ako sa garden na palagi kong tinatambayan. Mas nakakapag-isip kasi ako kapag naroroon ako.

Habang naglalakad ay natanaw ko si Sena. "Sena!" tawag ko rito. Hindi naman siguro masama kung magiging feeling close ako sa kanya.

Nilingon ako ni Sena. "Mirai!" tawag nito pabalik.

Tumakbo ako palapit kay Sena. "Saan ka pupunta? Mukhang nagmamadali ka, ah?"

"Sa infirmary, hihingi ako ng gamot," ani Sena. Sa infirmary? Sinong may sakit sa kanila?

"Ah, bakit? Sinong may sakit?" tanong ko.

"Si Koku," ani Sena.

"Si Kuya koku?!" Eh? May sakit ang kapatid ko? Hindi naman siya sakitin, ah? Pwede kaya akong pumunta sa dorm nila? Nakakapag-alala na nagkasakit bigla si Kuya. "Pwede ko bang makita si Kuya Koku? Bigla akong nag-alala, e."

"Sige, sige," ani Sena na ikinangiti ko. Cool!

Nang makarating kami sa infirmary ay kaagad na sinabi ni Sena sa nurse na naro'n na nasobrahan si Kuya sa training.

Hindi ko naiwasang hindi malungkot. Mukhang napapabayaan na ni Kuya ang sarili niya dahil sa pagtetraining.

Nang iabot ng nurse ang gamot para kay Kuya Koku ay mabilis ko itong tinanggap bago kami nagmamadaling umalis ni Sena.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa dorm ng Q-Class. Binuksan ni Sena ang pinto bago ako nito sinenyasan na pumasok.

Nang makapasok kami ni Sena sa bahay ay dumaretso sa kusina ang huli. Sumunod ako rito dahil kailangan din ng pagkain ni Kuya bago ito makainom ng gamot.

Nadatnan namin ni Sena si Ian sa kusina.

"Ian," tawag ni Sena kay Ian.

"Oh, Sena, Mirai," bati nito sa amin ng lingunin kami nito.

Nginitian ko si Ian. "Si Kuya?" tanong ko.

Itinuro ni Ian ang taas. "Nasa kwarto, nagpapahinga," anito.

"Tulungan na muna natin si Ian, Mirai," ani Sena. "Bago natin iakyat ang mga pagkain sa taas."

Tumango ako kaagad sa tinuran ni Sena. Mukhang tapos na rin naman kasing magluto si Ian kaya naman dumaretso na ako sa tauban ng mga plato.

Inilagay ni Ian ulam sa isang malaking lalagyan. "Sa taas nalang din tayo kumain. Malulungkot si Koku kapag solo lang siyang kumain," anito.

Tinulungan ako ni Sena na mag-ayos ng mga platong dadalhin sa taas. Nang matapos ay umakyat din kaming kaagad sa ikalawang palapag ng bahay.

Nagdaredaretso kami sa loob ng silid nila Ian. Gumawa kaagad ang huli ng lamesa na mapaglalapagan ng mga bitbit namin. Gumawa rin ito ng mga mauupuan namin.

"Tatawagin ko lang si Rei," paalam ni Ian sa amin.

"Si Hira naman ang tatawagin ko," ani Sena. "Maiwan ka na muna rito, Mirai. Pakigising na rin si Koku."

Tinanguan ko si Sena. Mukhang destiny ko talagang maging taga-gising ni Kuya palagi.

"Kuya, kuya," panggigising ko kay Kuya Koku.

Kaagad na nagmulat ng mga mata si Kuya Koku na bahagyang ikinagulat ko. Madali na siyang gisingin? Eh? Kailan pa? "Mirai? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kuya sa akin.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon