CHAPTER 9

85 12 0
                                    

CHAPTER 9
Individual Test

PAGKAPASOK na pagkapasok ko ay nagsarang muli ang pinto. Ni hindi manlang nakapasok sila Sena dahil sa bilis ng pangyayari. Individual test ng walang instructions? Wow.

Pinanatili ko ang pagiging kalmado ko. Walang maidudulot na maganda kung magpapanic at madidistract ako sa nangyari.

Nasaan si Koku?

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng training room. Madilim. Hindi ko makita kung nasaan sila Koku kahit na alam ko namang nasa loob lang sila ng apat na sulok na silid na 'to.

"Koku? Sir Azamuku?" tawag ko sa mga pangalan nila.

Walang sumagot sa tanong ko kaya naman pinatalas ko pa ang pakiramdam ko. Ano bang nangyayari? Ito na ba ang test?

Nag-umpisa akong maglakad patungo sa pinakagitna ng silid.

"Anong nangyayari?" tanong ko kahit na hindi ko maramdaman ang presensya nila Koku.

Nag-intay pa ako ng ilang segundo bago ako nag-umpisang mawalan ng pasensya. Pinaglalaruan ba nila ako?

Naglakad ako pabalik sa pintuan. May switch do'n ng ilaw. I'll turn it on.

"R-Rei," rinig kong tawag sa akin ni Koku.

Kaagad akong lumingon dito at saka ko nakita si Koku. Nakatayo siya sa pwestong tinayuan ko rin mismo kanina, sa pinakagitna ng training room.

"Koku," tawag ko kay Koku habang papalapit rito. "Anong nangyayari?"

Balisa ang itsura niya. Bukod pa ro'n ay namumuo ang pawis nito sa kanyang noo.

"Anong nangyayari sa 'yo?" mahinahong tanong ko bago nag-umpisang suriin ang kabuuan ni Koku. "Nasaan si Sir Azamuku?"

Nang banggitin ko ang pangalan ni Sir Azamuku ay namutla si Koku. May nangyari ba noong sila lang dalawa ang nasa loob ng training room?

"Magsabi ka, Koku. Sinaktan ka ba ni Sir? Nasaan siya?" tanong ko bago ako luminga linga sa paligid.

Madilim pa rin kaya naman hindi ko makita ang mga sulok ng silid.

"Sandali, bubuksan ko lang ang ilaw."

Bago pa man ako makapihit patalikod para magtungo sa pintuan ay hinatak ni Koku ang braso ko.

"Bakit---" naputol ang pagtatanong ko nang dumulas ang kamay ni Koku sa braso ko. Bakit parang may malagkit na dumikit sa balat ko?

Nang tingnan ko ang mga kamay ni Koku na nakahawak sa braso ko ay nakita kong madumi ito. Kumalat ang malansang amoy kaya kaagad kong kinalas ang kamay ni Koku mula sa pagkakakapit nito.

"Bakit ka gan'yan?" tanong ko. "Anong nasa kamay mo?"

Unti-unti na akong naghihinala pero hindi ako pupwedeng basta nalang manghusga nang hindi sigurado.

Napatingin din si Koku sa kamay niya. Natulala ito sandali bago mabilis na ipinahid ang mga kamay niya sa damit niya.

"D-Dugo, dugo," mahinang bulong ni Koku.

Mas namutla pa si Koku. Maging ako ay nababalot na rin ng kaba. Ano bang ginawa niya? Nasaan si Sir Azamuku?

Sa kaba ko ay mabilis akong nagtungo sa pintuan. I need light. Kailangan kong makita ang buong training room. Paniguradong nasa isang sulok lang si Sir Azamuku.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon