CHAPTER 16

97 16 6
                                    

Author's Note: Hi, everyone! Thank you for being patient with me. Kasasabi ko lang last time na dadalasan ko ang update kaso lang ay may inasikaso ako noong weekends at nagresume na ulit ang classes ko. I can't promise anything, but I'll try posting updates frequently. Ang pinakamabibitawan ko lang na mga salita na magagawa ko ay once a week, mayro'n kayong mababasang update. That's for sure (If wala, you'll see the reason in my message board). Having two or more updates per week will be 50-50 depending on my schedule kaya naman bear with me. Thank you and God bless us all! 💕

-----

CHAPTER 16
Hanging Out

"KUYA, kuya."

Naalimpungatan ako sa tawag at yugyog ng taong gumigising sa akin. Nang magdilat ako ng mga mata ay nakita ko si Mirai. Anong ginagawa niya rito?

"Mirai? Anong ginagawa mo rito?" naguguluhang tanong ko. Paano siya nakapasok dito?

Inalalayan ako ni Mirai na maupo.

"Narinig ko kasi kay Sena na masama ang pakiramdam mo kaya dumalaw ako," ani Mirai.

Bahagyang kumunot ang noo ko pero tumango rin ako. Paano naman niya narinig kay Sena na masama ang pakiramdam ko? Close sila?

*Grrrr* *Grrrr*

Napangiwi ako nang biglang tumunog ang tyan ko. Nagugutom ako.

Bahagyang natawa si Mirai sa narinig niya. "Gutom ka na, Kuya? Dinala na namin dito ang pagkain ngayon ngayon lang."

Napamaang ako. "Sinong nagluto? Si Sena? Si Ian nalang sana," daredaretsong ani ko. Si Ian ang pinakamagaling magluto sa amin at si Sena naman ang kabaliktaran nito.

Tumawa ng malakas si Mirai. "Hahahahahahaha! Grabe ka kay Sena, Kuya!" anito.

Bago ko pa man masabing hindi magaling magluto si Sena ay bumukas na ang pinto at pumasok ang huli.

"Sena, Hira," bati ni Mirai kina Sena at Hira. Magkasunod kasi itong pumasok ng kwarto.

Ngumiti si Sena. "Kumusta? Mahirap gisingin yang si Koku, ah?" tanong nito. Mukhang nag-uumpisa na siyang mang-asar.

Tumawa si Mirai. "Hindi naman gaano," anito. "Muntik ko na ngang akalaing wala siyang dinaramdam kung hindi mo sinabi sa akin, Sena. Ang energetic bigla ni Kuya Koku. Hindi ko masabayan." Hindi masabayan, e, tawa ka nga ng tawa, Mirai.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong bigla ni Hira habang nakatingin ito kay Mirai.

"Ah, isinama ko si Mirai, Hira," ani Sena. "Nag-aalala kasi siya kay Koku noong nabanggit ko kanina na masama ang pakiramdam ni Koku."

Bumaling si Hira sa akin. "What's up with you? Bakit hindi niyo ako tinawag? Nasa kabilang kwarto lang naman ako, ah?" kunot-noong ani Hira. I don't know a thing aside from refraining Sena and Ian to call her. Ayokong paawkward-in lalo ang hangin sa paligid namin. Nakakailang.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman napausal ako ng pasasalamat nang biglang bumukas ang pinto.

Pumasok sina Ian at Rei sa loob.

"Hey," bati ni Ian sa amin.

"Bakit tayo rito---" naputol ang tanong ni Rei dahil napatingin ito kay Mirai. Tsk! Halatang halata 'tong si Rei, e.

"Hello?" naiilang na ani Mirai.

Napailing nalang ako sa nasilayan ko. Lalong lumala ang awkwardness.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon