CHAPTER 10

95 12 0
                                    

Author's Note: Hi! Marunong ba kayong magchess? Kung oo, siguradong maeenjoy niyo ang chapter na 'to. Kung hindi naman, baka ito na yung time para maging familiar kayo sa larong chess.

Also, this chapter contains a lot of pictures. Kindly check them out to be more engaged with this chapter. God bless! 💕

-----

CHAPTER 10
Chess Tournament

"ANONG next class?" tanong ni Ate Yume kay Kuya Iwa.

Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain. Katatapos lamang ng Healing and Treatment 2.0 subject namin.

"Hmmm," ani Kuya Iwa bago nito ibinaba ang kutsarang hawak niya. Kinuha niya ang maliit na bag niya sa gilid bago inilabas ang telepono niya. "Environment Adaptation, Yume."

Tumango si Ate Yume bago ito nagpatuloy sa pagkain. Maging kami ay nagpatuloy na rin. Malapit na rin kasi ang umpisa ng klase para sa Environment Adaptation.

Hindi rin nagtagal ay natapos na kami sa pagkain.

"Tara na," aya ni Kuya Tori sa amin.

Nagsitayuan naman kami at saka nagsisunod dito.

"Nagugutom pa ako," rinig kong bulong ni Ate Mirai na nasa gilid ko.

Natawa naman ako sa narinig ko. Nagulat pa ako dahil sabay pala kami ni Kuya Iwa na tumawa. Narinig niya rin ang binulong ni Ate Mirai.

"Magtetake-out ako," ani Kuya Iwa.

Gulat na napatingin dito si Ate Mirai. "Ha?" nagtatakang anito.

Nginitian ni Kuya Iwa si Ate Mirai. "Nagugutom kasi ako, e. Kulang yung kinain natin kanina," anito. "Kung may ipapabili kayo, isasabay ko na."

"Gano'n ba? Pabili na rin ako nung snack A, Iwa," ani Ate Mirai.

Nagulat pa ako nang balingan ako ni Kuya Iwa. "Ikaw, Kash? Anong sa 'yo?" anito. Dinamay ako para hindi siya mahalata ni Ate Mirai.

"Gano'n nalang din, Kuya," pagsakay ko rito. Libre niya ba?

Mabilis na inilabas ni Ate Mirai ang monetary card niya. "Ito pala ang bayad ko," anito.

Umiling naman kaagad si Kuya Iwa. "Ako na ang bahala," anito bago ngumiting muli. "Mauna na kayo sa classroom. Susunod nalang ako."

Magrereklamo pa sana si Ate Mirai nang talikuran na kami ni Kuya Iwa.

Kunot noo tuloy akong binalingan ni Ate Mirai. "Bakit ang hilig niyang manlibre?" tanong nito sa akin.

Nagkibit-balikat nalang ako. "Ayaw mo no'n, Ate Mirai. Wala kang gastos," ani ko bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi naman sa ayaw ko pero napapadalas na masyado. Bukod pa ro'n ay may panggastos naman ako, tayo," ani Ate Mirai.

"Hayaan nalang natin," ani ko. "Hindi naman natin siya pinupwersang manlibre. Nagkukusa siya."

Napipilitang tumango si Ate Mirai. "Okay," anito.

Natahimik kaming dalawa at naglakad nalang.

Hindi na ako nagsasabi ng 'po' at 'opo' sa kanila dahil ilang taon lang naman daw ang tanda nila sa akin. Pumayag na rin ako dahil mapilit sila at pakiramdam daw nila ay ang tanda tanda na nila kapag gano'n ko sila kausapin.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon