CHAPTER 22

121 11 12
                                    

Author's Note: Hi! Heads up lang! Magkakaroon ng maraming pagpapalit ng point of view sa chapter na 'to at sa mga susunod pa. Be more attentive nalang sa mga context clue para hindi kayo malito kung kaninong point of view na ang binabasa niyo. 'Yon lang, happy reading! 💕

-----

CHAPTER 22
Quest in the Islands

"Sinong magiging team captain?" tanong ni Habu sa amin.

Sinabihan kasi kami nila Sir Sendo na pumili ng team captain. Hindi ko alam kung talagang patas ang naging bigayan ng members pero pinagsama kaming dalawa ni Iwa kahit pa alam naman ng lahat na kaming dalawa ang leader ng dalawang klase.

Hindi ako umimik sa tanong ni Habu. Nanatili lamang akong nag-oobserba lalo na at hindi maganda ang huling naging usap namin nina Iwa at Mirai.

"Si Rei," biglang ani Mirai. "Siya ang team captain."

Akmang aalma si Habu sa naging mabilis na pagdedesisyon ni Mirai nang tingnan ito ng huli.

"Maniwala kayo sa akin," ani Mirai bago ito tumanaw sa malayo. "Si Kuya Koku at Ian ang mapipili sa magkabilang team kaya si Rei ang itatapat natin sa kanila."

Nagkatinginan pa kami nila Iwa sa kakaibang asta ni Mirai pero nagsitango nalang kami at hindi na umalma pa. Pati ang magiging mga team captain ay dineduce niya rin. What a scary skill.

NANG matapos ang ibinigay na labing limang minuto ay tinawag kami at saka pinaghiwahiwalay. Tama nga si Mirai. Sina Ian at Koku ang mga naging captain ng makabilang team.

"NASAAN tayo?" tanong ni Ian nang makapasok kami nila Koku sa portal.

Para kaming nasa isang training grounds pero closed area ito. Anong ginagawa namin dito? Dito ba mangyayari ang mga simple task na sinabi kanina nila Sir Sendo?

"Follow me," ani Ate, I mean Miss Sho, na biglang sumulpot sa gilid namin.

Kaagad kaming sumunod dito.

Habang naglalakad ay hindi ko napigilang tingnan ang ekspresyon sa mukha nina Ian at Koku. Mukhang kalmado silang dalawa at hindi kabado.

"Bakit?" tanong ni Koku sa akin.

Umiling ako. "Wala lang," ani ko.

Huminto si Koku sa paglalakad. "Rei, Ian," tawag nito sa amin ni Ian.

Huminto rin kami ni Ian at saka sabay na lumingon kay Koku.

"Hmmm?"

"Bakit?"

"Naintindihan niyo ba ang goal ng unang round?" tanong ni Koku sa amin.

Sabay na tumango kami ni Ian. "Oo," magkasabay din naming sagot.

"Mamaya, habang ginagawa ang mga task, let's try to help each other as much as we can. Not just for ourselves but also for our team members who are counting on us," ani Koku.

Tumango ako kaagad. "Sure," ani ko. Kung hindi si Koku ang nagsabi ay baka ako ang nagsabi no'n. He's really supporting the team behind the curtains.

"Okay, let's do that," ani Ian.

Nagpatuloy kaming muli sa pagsunod kay Miss Sho. Nakarating kami sa dulo ng silid kung saan mayroong mga screen na nakadikit sa dingding. Iba't-ibang anggulo ang nakukuhanan nito at paniguradong dito mapupunta sila Mirai mamaya.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon