CHAPTER 2

89 12 0
                                    

CHAPTER 2
Meeting of the Higher Ups

"LET'S call everyone," ani Dobutsu.

Dadalawa lang kasi kami sa conference room na nag-uusap. Pinagpaplanuhan kasi namin ang mga mangyayari sa Academy lalo na at bumalik na sila ni Mushi.

"Sige," sagot ko. 

Kinuha ko ang telepono ko at saka nagdial doon. Maging si Dobutsu ay nagpipipindot na rin sa telepono niya.

*Ring* *Ring*

"Gunshi?" bungad sa akin ni Jikan. 

"Mahal, pumunta kayo rito sa conference room," sabi ko. 

"Kami?"

"A-Class at Q-Class ng batch natin. Napag-isipan namin ni Dobutsu na isama na rin kayong lahat sa meeting para wala kaming makaligtaan."

"Sige sige, ako na ang bahala sa iba. Daraanan ko sila," ani Jikan.

"Sige, mag-iingat kayo."

Ibinaba ni Jikan ang telepono kaya naman nilingon ko na muli si Dobutsu.

"Papunta na sila," sabi ko. "Daraanan na lang daw sila ni Jikan."

Maliit na ngumiti naman si Dobutsu."Good old days," sambit nito.

Hindi rin nagtagal ay nagdatingan na rin ang mga kaibigan namin. 

"Welcome back to the conference room," bati ko sa kanila lalo na kina Mushi, Yuki, Tsuyoi, Kabe at Chiteki.

Ngumiti ang mga ito at saka nagsitango. "Good morning." bati nila.

"Sit down," ani Dobutsu. "Let's get back to business."

Bumalik ang seryosong itsura ng mga kaibigan namin. Nagsiupo na rin ang mga ito sa palagiang pwesto namin magmula pa dati.

 Nagsiupo na rin ang mga ito sa palagiang pwesto namin magmula pa dati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ni Ishi.

"Oo nga," segunda ni Tsuyoi. "Ipinatigil ko muna ang training ng mga Heishi dahil dito."

"Marami tayong pag-uusapan," sagot ko. "Unang una na ang---"

"Wait," putol ni Chiteki sa sasabihin ko. 

"Ano 'yon?" 

"Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na ako na ang head ng Tech. Department, 'di ba?" ani Chiteki.

Nagtanguan naman kami.

"Anong mayro'n? Aayaw ka ba?" tanong ko. May plano ba siyang umalis ulit ng Academy?

Umiling si Chiteki. "Hindi 'yon, Gunshi," sagot nito. "Gusto ko lang ipaalam sa inyo na mayro'n akong assistant at gusto ko sana na narito siya sa meeting natin."

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon