CHAPTER 7

91 14 3
                                    

CHAPTER 7
Everything's Troublesome

"ALAM mo ba, Sena, nakakatawa ang itsura ni Ian nung pinuntahan namin siya dati ni Rei sa dungeon. Sayang, hindi mo nakita," pang-aalaska ko kay Ian habang papunta kami sa cafeteria. 

Tumawa naman si Sena sa akin. "Sayang, dapat pinicture-an mo!" ani Sena. Talagang ayos na nga sila ni Ian.

"Kaya nga, e. Lt pa naman! Paiyak na siya, e."

"Hoy, ano ba kayong dalawa? Pinagkakaisahan niyo ako, ah? Nakakahalata na ako," nagrereklamong ani Ian. 

Tumawa nalang kami ng malakas ni Sena rito. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagngiti ni Ian habang nakatitig kay Sena na tumatawa.

Siniko ko si Ian sa tagiliran. "Hulog na hulog," bulong ko. 

Nginisihan nalang ako ni Ian. "Tsk. Tigilan mo ako sa pang-aasar mo. Baka gusto mong amuhin si Hira. Mainit ang ulo no'n sa 'yo panigurado," anito bago ako inilingan. "Ikaw na ang kawawa ngayon sa ating dalawa."

Saglit akong napaisip. Ano ba talagang dahilan ni Hira? Talaga bang nagseselos siya kay Mirai?

"Hindi ba't si Hira 'yon?" biglang ani Sena bago nito itinuro ang punong nasa kabilang sulok ng field.

Tago 'yon kaya naman hindi pansinin ang pwestong 'yon.

"Puntahan natin!" ani Sena bago ito akmang maglalakad na patungo kay Hira nang hilahin siya ni Ian.

"Kakain tayo, 'di ba?" ani Ian habang pinanlalakihan ng mata si Sena. 

Kaagad na naintindihan ng huli ang sinesenyas ni Ian. "Ay, oo nga pala, gutom pala ako," nakangiwing anito. "Ikaw ba, Koku? Magpapalibre ka pa rin kay Ian o mauuna na kami?"

"Mauna na kayo. Hindi pala ako gutom," ani ko kay Sena. Binalingan ko naman si Ian na nakangisi na sa akin ngayon. "Next time mo nalang ako ilibre."

Tumango sa akin si Ian bago ito bumulong. "Good luck," anito bago nito tuluyang hinila si Sena para makaalis na silang dalawa.

Tinanaw ko sila Sena at nang tuluyan na silang makalayo ay saka ko nilingon si Hira. Tahimik na naglakad ako palapit dito. Mukhang hindi niya nararamdaman ang presensya ko.

"What are you doing?" tanong ko nang tuluyan akong makalapit kay Hira.

Nag-angat ng tingin sa akin si Hira. "I'm reading a book," sagot nito habang inaangat ang librong binabasa niya.

Tinitigan ko ang librong binabasa niya. 'Hīrāgaido' o 'ヒーラーガイド' ang pamagat nito na ang ibig sabihin ay 'A Healer's Guide'.

"What do you want, Koku?" tanong ni Hira. 

Nginitian ko lang si Hira bago ako umupo sa tabi nito. 

"Why are you here?" tanong muli ni Hira bago nito isinarado ang libro niya. "Ang bilis namang natapos ng training niyo."

"Mainit ang ulo ni Rei kanina, e." sagot ko. "Inawat tuloy kami nina Ian at Sena."

"Hmmm," usal ni Hira bago ito nag-iwas ng tingin.

"Ikaw? Bakit ka narito? Akala ko sa lab ka maglalagi?" maingat na tanong ko. Baka biglang magbago ang mood niya at magalit na naman siya sa akin.

"Ah, busy si Lola," ani Hira. "Ayoko namang makaabala kaya dito nalang ako tumambay."

Tinitigan ko pa si Hira. Ang kalmado na niya ngayon. Walang bakas ng inis sa akin hindi gaya kanina.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon