CHAPTER 5

79 12 0
                                    

CHAPTER 5
A-Class and Q-Class in One Frame

DAYS passed since I came back to our dorm. Wala naman gaanong nangyari bukod sa naging busy ang mga instructors namin at mas tumindi ang kanya kanya naming training.

"Q-Class," bungad ni Rei matapos nitong sumilip sa pintuan ng classroom namin. Bakit hindi pa siya pumasok?

"Hmmm?" 

"Bakit?"

Nagkanya-kanya kaming tanong kay Rei. Mukhang may event sa Academy? Pero bakit hindi kaagad inannounce kung mayro'n nga, 'di ba?

"Tara," ani Rei bago ito tumalikod.

"Ano 'yon?"  bulong sa akin ni Hira na nasa kaliwa ko. 

Agad akong nagkibit-balikat. "Hindi ko alam," ani ko. 

Lumabas kami at saka sumunod kay Rei. Naro'n na kaagad siya sa baba ng hagdan kung saan naroro'n ang mga locker namin.

"Magpalit na muna tayo ng damit. May event sa field," ani Rei. 

Bagama't curious ay mabilis kaming nagsikilos. Mukhang wala kami ngayong lecture dahil pinagpapalit na kami ng damit. Kapag kasi may lecture sa schedule namin ay nakasuot lang kami ng usual uniform namin. Kapag naman may training o physical-related subjects kami ay nagpapalit kami ng comfortable clothes gaya ng shirt at pants kung saan kami komportable. Ang nananatili lang na pagkakakilanlan namin bilang Q-Class ay ang pin namin na palaging nakakabit sa damit namin.

"OKAY na kayo?" tanong ni Rei sa amin ni Ian. 

Tapos na kaming magpalit kaya naman nagsitango kami. 

"Tara na," aya ko. 

Magkakasunod kaming nagtungo muli sa mga locker namin. Dito muna namin ilalagay ang mga uniform na suot namin kanina.

"Anong mayro'n?" tanong ni Ian kay Rei. Iniintay nalang namin ngayon sina Hira at Sena. Paniguradong si Hira ang pinakainiintay namin dahil mabilis kumilos si Sena.

"Hindi ako sigurado pero mukhang hindi lang tayo ang klaseng pinapapunta sa field," ani Rei. Parang pamilyar 'yon, ah?

"'Wag mong sabihing may battles ulit per class?" ani Ian. 

Doon ko muling naalala ang unang battle na nangyari sa pagitan ng A-Class at Q-Class noong first day namin as Q-Class. Bakit naman ngayon nila naisipang gawin 'yon ulit matapos ang maraming taon?

Nagkibit-balikat si Rei. "Malalaman natin mamaya," anito.

"Tara na!" biglang sulpot ni Sena sa gilid ko. "Nakakaexcite naman."

Unti-unti na muling nagiging warm si Sena. Hindi na kagaya dati na puro sarcasm at pambabara lang ang maririnig sa kanya. 'Yon nga lang ay makikita pa ring may gap sa kanila ni Ian. Kailan kaya sila magbabati? Hindi ko na nga matandaan kung anong ginawa ni Ian dahil may lapses ata sa memory ko? Mukhang kailangan kong makausap si Papa.

"Sa field na tayo," ani Rei bago ito nag-umpisang maglakad. 

Sumunod naman kami rito. Totoo bang battle between classes ang mangyayari? Mas magkakaroon lang ng gap between classes kung gano'n nga ang mangyayari. 

Napailing nalang ako sa mga naisip ko. 

"Hoy, anong iniiling iling mo d'yan?" tanong sa akin ni Sena. 

"Wala wala," sagot ko bago nag-iwas ng tingin. I'm really not myself these days. 

NANG makarating kami sa field ay kaagad kong iginala ang tingin ko. Ang konti naman ata ng mga narito sa field?

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon