CHAPTER 17

111 17 4
                                    

CHAPTER 17
Hanging Out 2.0

"AALIS na muna ako," paalam ko kay Rei.

Katatapos lamang ng tatlong oras na panonood ko sa pagtetraining nito. Marami siyang ginawa na bago sa paningin ko. He's impressive as always.

"Saan ka?" tanong ni Rei habang nilalaro ang isang blue tiger.

-----

Below is a photo for imagination purposes. (The photo is not mine; credits to its rightful owner.)

-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----

Bigay daw ito ng Papa niya kaninang madaling araw matapos nitong umuwi galing sa isang misyon. I wonder kung anong misyon ang ginawa ni Tito Dobutsu.

"Sa Mall," ani ko.

Tumango si Rei. "Uwian mo ako ng pagkain," anito.

"Bakit?" tanong ko kaagad. "May pagkain naman dito sa dorm."

"Kukulangin na 'yon. Nandito na si Maltese," ani Rei bago nito hinaplos ang likod ng blue maltese tiger niya. "Bumili ka ng maraming karne. Kailangan na nating magstock ng marami no'n."

Kumunot ang noo ko. Saan naman namin ilalagay ang mga bibilhin kong karne kung sakali? Wala nang magiging space sa fridge.

Tumayo si Rei. "Tsk, sige na nga sasama na ako sa Mall. Bibili na rin ako ng isa pang fridge para sa pagkain ni Maltese," anito.

"Isasama mo siya sa Mall?" tanong ko habang nakaturo pa kay Maltese. "Baka matakot ang mga makakasalubong natin."

"Hindi naman siguro sila matatakot, maliit pa naman si Maltese," ani Rei bago nito binuhat ang alaga niya.

"Maliit nga pero tigre pa rin siya, Rei," ani ko.

Kumunot ang noo ni Rei. "Eh, anong gagawin ko? Kailangan niyang masanay sa mga tao, Koku. Alam mo 'yan," anito.

Saglit akong natahimik. Bakit nga ba nagrereklamo ako, e, kaya namang ayusin ni Rei kung sakali mang may gulong gawin si Maltese?

"Sige, sige. Pumapagayag na ako basta don't let him wander alone."

Tumango si Rei. "Don't worry, I won't," anito.

Naglakad kami pataas dahil nasa basement kami.

Nang marating namin ang sala ay umupo muna ako sa sofa. Panigurado kasing magpapalit ng damit si Rei dahil galing siyang training. Ako naman ay walang ginawa kaya hindi na ako magpapalit.

"Magpapalit lang ako ng damit," ani Rei bago nito inilapag sa hita ko si Maltese. "Sa 'yo na muna siya."

Biglang tumakbo pataas si Rei. Wala akong nagawa kundi hayaan nalang si Maltese sa mga hita ko. Siraulo ang amo niya! Kasasabi lang no'n kanina na hindi niya iiwang mag-isa si Maltese! Pero, technically hindi niya nga iniwang mag-isa si Maltese dahil kasama ako nito. Tsk!

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon