CHAPTER 24

89 9 2
                                    

CHAPTER 24
Quest on the Islands 3.0

NAPAHINTO ako sa paglalakad na ginagawa ko. Nang humiwalay ako kina Hira at Mirai ay mag-isa kong tinahak ang daan patungo sa kinaroroonan ni Kash. Napakasukal ng dinaanan ko kanina ngunit wala akong naramdamang kakaiba. Ngayon pa kung kailan nakalagpas na ako sa mga masusukal na damuhan.

"Sino 'yan?" tanong ko. Natitiyak ko kasing hindi lamang ako nag-iisa. Nararamdaman kong may nagmamasid sa akin. 

Iginala ko ang paningin ko. Puro puno. Nasa pinakagitna siguro ako ng kakahuyan.

*Rustle* *rustle*

Napako ang paningin ko sa malaking puno na nasa harapan ko. Kagaya ang punong ito ng puno na mayroon malapit sa dorm namin. Narito bang muli ang anino na nagpakita sa akin noong nakaraan?

"Magsalita ka," ani ko. 

Lumipas ang ilang segundo at biglang nawala ang ingay. Nawala ang narinig kong tunog mula sa mga inaapakang tuyong damo. 

"Hmmm," tugon ng taong naririto bukod sa akin.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Napakalaki ng pagkakaiba ng boses nito sa boses ng anino noon. Nakatitiyak akong babae ang naririto ngayon at hindi isang lalaki. Napakalamyos ng boses nito at maganda sa pandinig.

"Hindi ba't gusto mo akong makausap? Narito na ako, Koku," muling anito.

Gusto kong makausap? Wala naman akong ibang gustong makausap bukod sa kapatid ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ito na ba talaga ang kapatid ko? Bakit pakiramdam ko ay hindi? Bakit may kulang sa pakiramdam ko?

Nang malagpasan ko ang malaking puno ay panandalian akong nasilaw. Napakaliwanag.

"S-Sino ka?" tanong ko habang nag-aadjust ang paningin ko sa liwanag.

Tumawa ang may-ari ng tinig bago ito tumikhim. "I'm Hikari. It's nice seeing you again, Koku," anito. Hikari? She's Hikari! She could be my little sister!

Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang masanay ang mata ko sa liwanag. Paunti-unti rin itong humupa.

"Hikari?" ulit ko sa pangalan ng kaharap ko. She looks familiar, really familiar, but...

Ngumiti si Hikari sa akin. "Disappointed?" tanong nito.

Natulala ako sandali. Ibang-iba ang boses nito sa boses ng kapatid ko na naaalala ko. Mas kaboses pa ni Mirai---

Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ikaw ang kapatid ko!" sigaw ko.

Nagkibit-balikat sa akin si Hikari. "Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na ako ang kapatid mo? Kung ahas lang 'yon, tiyak na natuklaw ka na," anito bago ito umiling-iling sa akin.

Lumapit ako kay Hikari. "Si---"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang may sumulpot na portal sa harap ko. Huli na para mapigil ko pa sa paghakbang ang mga paa ko dahil nakatapak na ako sa loob ng portal.

"Kung sino man ang iniisip mo, natitiyak kong tama ka na sa puntong ito, Koku," rinig ko pang ani Hikari bago ako tuluyang makain ng portal.

Mirai. Si Mirai ang kapatid ko!

-----

KUNG nagagamit ko lang ang Tokushu Nōryoku ko, tiyak na nakarating na ako sa kinaroroonan ni Yume.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon