SPECIAL CHAPTER 3

84 12 4
                                    

Author's Note: Hi, guys! It's been a while. Thank you for staying patient with me. Here's a looooong chapter for you. Happy reading! 💕

-----

SPECIAL CHAPTER 3
Mirai as an A-Class Member

"MAGTETAKE-OUT ako," ani Iwa.

Gulat na napatingin ako kay Iwa. "Ha?" nagtatakang ani ko. Nasabi ko bang nagugutom ako?

Nginitian kami ni Iwa. "Nagugutom kasi ako, e. Kulang yung kinain natin kanina," anito. "Kung may ipapabili kayo, isasabay ko na."

Agad akong napangiti. "Gano'n ba? Pabili na rin ako nung snack A, Iwa," ani ko.

Binalingan ni Iwa si Kash. "Ikaw, Kash? Anong sa 'yo?" anito.

"Gano'n nalang din, Kuya," ani Kash.

Nang akmang kukuhanin ko na ang monetary card ko ay pinigilan na ako ni Iwa. Manlilibre daw siya. Nakakapagtaka na talaga ang panlilibre niya sa amin ni Kash. May mga pambili naman kami, e.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakabalik na si Iwa. Dala nito ang mga pagkaing binili nito mula sa cafeteria.

Binuksan ko kaagad ang paper bag na may pagkain at saka kumuha ng makakain mula rito.

Hindi ko pa natatapos ang pagkain ko nang biglang pumasok si Tita---Miss Yonda ng class room naming.

"Good morning, A-Class!" bati nito.

Nagtataka man ay bumati kami rito pabalik. "Good morning, Miss Yonda!" bati namin. Akala ko ay Environment Adaptation ang klase. Mukhang nagpalitan sila.

Hindi nga ako nagkamali dahil nagpalit nga muna sila ni Sir Azamuku ng schedule.

"Let's start the class," ani Miss Yonda. "Since this is the very first meeting for Tactics and Planning, we'll start with a game as an introduction."

Deja vu. Parang ganito rin ang nangyari sa amin ng Q-Class noon.

"What is the game that comes to your mind when you heard the words 'strategy' and 'tactics'?" tanong ni Miss Yonda. Saglit na tumahimik ang klase. Animo nag-iisip ang lahat. "Anyone? It's a famous boardgame, A-Class."

Nagtaas ako ng kamay. "Chess, Miss Yonda," ani ko. Ang larong ito rin ang madalas na nilalaro naming nila Tito Karito sa VP.

"Very good, Mirai!" ani Miss Yonda. "Define chess," baling naman nito sa amin.

"A board game played by 2 opposing players," ani Kuya Habu.

"Correct! What else? How about the rules? Familiar ba kayong lahat sa chess? Sinong hindi?"

Nagtaas ng kamay si Kash. "Ako po, Miss Yonda. Hindi po pamilyar sa akin ang chess," anito. Hmmm, I better teach him how to play chess.

"Since hindi kayo lahat pamilyar sa laro at baka nakalimutan na ng iilan sa inyo ang rules, we will discuss it first. After that, we will have a mini tournament and the last Tokushu standing will be my opponent."

Napamaang ang mga kasama ko sa gulat. Mukhang ako lamang ang hindi kaya naman umakto nalang din ako na animo nagulat.

Itinuro ni Miss Yonda ang mga functions ng chess pieces na mayro'n sa chess. Itinuro din nito ang rules at ang essence ng laro.

"Kung wala na kayong tanong, magbibigay na ako ng instructions para sa mini chess tournament natin," ani Miss Yonda. "Kashikoi," tawag ni Miss Yonda kay Kash.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon