SPECIAL CHAPTER 2

111 9 2
                                    

SPECIAL CHAPTER 2
Mirai's back!

NAKABALIK na ako. Napangiti nalang ako nang maalala ang naging unang araw ko sa klase noon dito sa Academy. Parang ganito lang din. Ipapakilala ako ni Tita Yonda.

"GOOD morning, A-Class!" bati ni Miss Yonda sa loob ng classroom ng A-Class.

A-Class. Sa A-Class ako napabilang. Hindi kasi pupwedeng lumabas ang katotohanang anak ako nina Mama at Papa. Hindi pa ito ang oras para doon at 'yon ang kabilin-bilinan ni Tita Sei sa akin bago siya bumalik ng VP.

Hindi ko rin kailangang magworry na baka mabasa ni Tita Yonda ang isip ko dahil pili lamang ang mababasa nito sa tulong na rin ni Tita Sei.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Tinititigan ang kasama kong nag-iintay ng hudyat mula kay Tita Yonda. Mukhang dalawa kaming bagong salta sa A-Class. Mabuti nalang at may karamay ako dahil fresh pa rin sa isip ko ang pantatambang sa akin noon ng ilang mga taga A-Class.

"You'll have new classmates today," ani Miss Yonda, hudyat na pwede na kaming pumasok.

Agad akong nilingon ng binatang nasa unahan ko. Hindi niya ata naramdaman ang presensya ko magmula pa kanina.

Lumapit sa amin si Miss Yonda. "Pasok na kayo," anito sa binata lalo na at nakita nitong nakatitig pa rin ang huli sa akin. Hmmm.

Pumasok kami ng classroom gaya ng sinabi ni Miss Yonda.

"Magpakilala kayo," sabi pa ni Miss Yonda.

Kaagad kong iginala ang paningin ko sa mga myembro ng A-Class. Bakit kokonti lamang sila? Halos kasing dami lang nila ang Q-Class sa bilang nila ngayon.

Tatlong lalaki at dalawang babae. Sila lamang ang myembro ng A-Class bukod sa aming bagong salta. Hmmm, wala ang ibang mga A-Class na tumambang sa akin noon. Tanging iisa na lamang ang pamilyar sa akin. Si Kugutsu.

"I'm Kashikoi Techno. You can call me 'Kash'. Nice meeting you all," pakilala ng binatang bago lang din sa A-Class. Techno, hmmm.

"Next," ani Miss Yonda bago ako nito nilingon at tinanguan.

Napangiti nalang ako. This is it, Mirai. You did it before, therefore you can do it again!

"I'm Mirai Ak---" sandali akong natigilan bago agad na nagpatuloy. "McGarden. Nice to meet you all," ani ko bago unti-unting nawala ang ngiti ko. McGarden. Kailangan kong itago ang identity ko kaya apelyido ni Shinyu ang gagamitin ko. Aasta rin akong Time Master's Protector dahil 'yon ay kakabit ng apelyidong gagamitin ko.

"Okay, take your seats, Kash, Mirai," ani Miss Yonda.

Sumunod kami ni Kash kay Miss Yonda. Hindi pa rin nagbabago si Tita Yonda. Halatang may pagka-strict ito pero ang warm pa rin niya. Si Mama kaya? Gusto ko na siyang makita.

Umupo kami ni Kash sa dalawang bakanteng upuan. Siya sa kaliwa at ako naman sa kanan.

"The rest of the A-Class, kindly introduce yourself for your new classmates," ani muli ni Miss Yonda.

Tumayo ang lalaking pinakamalapit sa pintuan. "My name's Habu Chishiki. I'm an Iyashi," pakilala nito. Iyashi. He's a healer like Hira.

Sunod na tumayo naman ang lalaking katabi ni Habu. "I'm Iwa Rifuta, a rock lifter," pakilala nito. Hmmm, rock lifter. Then, he's a Kōgeki? He must be an offensive type.

Sumunod na tumayo si Kugutsu. Napailing nalang ako ng bahagya dahil masama ang tingin nito sa akin. Hindi niya naman ako naaalala pero hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya sa akin. "Kugutsu Kontororu," maikling pakilala nito.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon