CHAPTER 8

83 11 3
                                    

CHAPTER 8
A Storm's Coming

"KAILAN ang alis niyo?" rinig kong tanong ni Papa.

"Bukas," sagot ni Mama.

Nang sumilip ako ay nakita ko silang nag-uusap sa sala ng bahay. Mukhang hindi manlang nila naramdaman na dumating ako.

Nanatili akong nagtatago. Pakikinggan ko muna ang pinag-uusapan nila at baka may kinalaman ito sa mga bumabagabag sa isip ko.

"Pupwede akong sumama, Jikan," ani Papa.

"Hindi na," tanggi ni Mama. "Kaya na namin ni Reon 'yon." Si Tito Reon? May lakad sila ni mama? Saan naman sila puputang dalawa?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Papa. "Mag-iingat kayo. Sabihan mo ako kaagad kung kailangan niyo ng tulong ko," bilin ni Papa kay Mama.

"Sige," ani Mama. "Pero may ipapagawa sana ako sa 'yo."

Natigilan ako sa tinuran ni Mama. Ayan na! Malalaman ko na kung ano ang pinagkakaabalahan nila ngayon!

Nag-umpisa akong kabahan. May kinalaman na ba sa kapatid ko ang ginagawa nila? Naniniwala na ba sila sa sinabi ko noong nakaraan?

"Ano 'yon?" tanong ni Papa.

"Turuan mo ang anak mo na hindi tama ang makinig sa usapan ng may usapan," ani Mama bago ako nakarinig ng papalayong mga yabag ng paa.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko bago napatawa ng payak. Natural lamang na malalaman nila na narito ako at nakikinig. Bakit ba inakala kong hindi nila ako mararamdaman?

"Koku," tawag ni Papa sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang tuluyang magpakita sa kanya. "Pasensya na, Papa," sabi ko. "Sinadya ko talagang makinig sa usapan niyo ni Mama."

Tumango si Papa bago ito maliit na ngumiti. "Alam namin," ani Papa. "Ano palang sadya mo? Bakit ka umuwi? May problema ba sa dorm niyo?"

"Ah, may nakalimutan lang akong gamit kaya naisip kong umuwi," ani ko kahit wala naman talaga. Gusto ko sana siyang makausap kaya ako umuwi pero mukhang mali ang timing ko. "Akyat na po ako," paalam ko.

Nilagpasan ko si Papa. Naiinis ako sa katotohanang wala silang sinasabi sa akin.

"Sandali," tawag ni Papa sa akin.

Napatigil naman ako sa paglalakad. Nagkaroon ako ng pag-asa na may sasabihin siya sa akin.

Nilingon ko si Papa. "Bakit?" tanong ko.

"Kumain ka na ba?" tanong nito. "Maraming iniluto ang Mama mo kanina. Mayro'ng pagkain sa ref."

Unti-unting nawala ang nabuong pag-asa sa dibdib ko. Akala ko pa naman ay may sasabihin na si Papa sa akin tungkol sa pinagkakaabalahan nila.

"Pa," tawag ko kay Papa. "Ano yung pinag-uusapan niyo ni Mama kanina?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Itinanong ko na ang gusto kong itanong.

"Ah, yung kanina ba? May misyon lang na gagawin ang Mama at ang Tito Reon mo," kalmadong sagot ni Papa.

"Misyon? Tungkol saan?"

"Confidential, Koku," ani Papa. "Hanggang do'n lang ang pupwede kong sabihin."

Tuluyan lumaylay ang mga balikat ko. Wala talaga akong makukuwang direktang sagot mula sa kanila ni Mama.

Lumapit sa akin si Papa. "Sasabihin namin sa 'yo kapag may sigurado na kaming impormasyon," pagbawi nito bago tinapik ang balikat ko.

"Kahit kung tungkol saan nalang, Pa, hindi ko pa rin pupwedeng malaman?" giit ko. Sobra sobrang curiousity na ang nararamdaman ko at higit sa lahat ay nasasaktan ako sa katotohanang wala akong alam sa mga nangyayari.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon