SPECIAL CHAPTER 5

150 13 10
                                    

Author's Note: Hi! So far, itong chapter na 'to ang pinakamahabang chapter na napublish ko dito sa wattpad. Also, second to the last special chapter na muna ito, then babalik na tayo sa regular chapters. Happy reading, everyone! Love lots!

-----

SPECIAL CHAPTER 5
I Just Love Them Too Much

LUMIPAS ang buong linggo na hindi ko nakita ang mga taga Q-Class. Mukhang busy sila sa kanya-kanya nilang training kaya naman hindi ko sila mahagilap sa Academy.

"Ano kayang gagawin ngayon, Ate Mirai?" tanong sa akin ni Kash.

"Hindi ko rin alam, Kash." Hindi ko rin naman pwedeng basta basta na lang gamitin ang Tokushu Nōryoku ko. 

Nasa training room kasi kami pero wala pang ipinapagawa sa amin. Nakatitig lamang si Sir Sendo sa amin na animo may iniintay. Hmmm.

Bumukas ang pinto. Lahat kami ay napalingon sa tunog na ginawa nito.

Si Miss Sho at ang Q-Class!

"Pasok kayo, Q-Class," ani Sir Sendo.

Hindi ko maialis ang tingin ko kila Kuya Koku. Kumusta kaya ang mga naging training nila? Nagtama ang paningin namin ni Kuya Koku. Nginitian ako nito kaya naman nginitian ko rin siya.

"Q-Class, A-Class," tawag sa amin ni Miss Sho. "Today, you'll be having a joint class with joint subjects."

Nagulat ang karamihan sa training room. Iilan lamang kaming hindi nagulat nila Kuya. Obvious naman kasi ito dahil dalawang instructors ang present.

"Your 'All-out Fighting' subject, 'Combat Training 2.0', and your 'Build and Defense' subject will be held together," pagpapatuloy ni Miss Sho. "Sendo and I will supervise the joint classes since Mrs. Rufu is running an errand," dagdag pa ni Miss Sho. Mukhang busy ang mga higher ups. Hmmm, ano kaya ang pinagkakaabalahan nila?

"We'll be adjusting your schedule starting today," ani Sir Sendo. "Every morning, ang itetake niyong subjects ay ang tatlo niyo pang ibang subjects. Salit-salitan ang schedule nila at magkahiwalay ang Q-Class at A-Class. Every afternoon naman kagaya ngayon, dito kayo dadaretso sa pinakamalaking training room at joint class ang magaganap."

Tumango-tango kami sa mga sinasabi nila Sir Sendo.

"For the first three days starting today, uumpisahan nating iapply ang mga lecture at hasain ang mga skills na natutunan niyo sa tatlong subject na hawak namin nila Sendo," ani Miss Sho. "Sa unang tatlong hapon, magkakaroon kayo ng battle which is 2 vs. 1."

2 vs. 1? Nabalot ako ng excitement. Sanay ako sa 2 vs. 1 na training dahil madalas akong pinagtutulungan nina Tito at Kage. Masyado silang brutal sa pagtetrain sa akin.

"Kinakabahan ako, Ate Mirai," bulong sa akin ni Kash.

"'Wag kang kabahan, Kash. Mahigit isang linggo na tayong nagtetraining, panigurado namang may natutunan ka. Iapply mo lang 'yon sa mga magiging laban mo," ani ko. Umikot ang isang linggo ko nang tinetrain ko si Kash. Nag-improve na rin ito sa mga basic skill niya kaya naman kung magpapatuloy pa ito sa training niya ay makakakuha ito ng mas magandang resulta.

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon