CHAPTER 3

91 14 2
                                    

CHAPTER 3
The Real Deal

"The real deal is about the Giin," ani Dobutsu.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa silid. Wala ni isang nagsalita kaagad matapos banggitin ni Dobutsu ang Giin.

Umubo ako. "Natatandaan niyo ba ang nangyari noon? Noong sumugod ang Giin dito?" tanong ko.

Nagsitango naman ang mga kasama ko.

"Hindi malabong maulit 'yon. At lalong hindi malabong mas wala tayong maging laban kumpara noon. Hindi na sila makakaramdam ng kahit katiting na awa," ani ko.

"B-Bakit? Bakit ba nila ginagawa 'yon? Hindi ko pa rin maintindihan kung anong gusto nilang mangyari," ani Nasu.

Nanatili pa ring tahimik sina Tsuyoi, Yuki, Kabe, Rufu at Chiteki. Wala kasi sila noong nagtungo at nanggulo ang Giin sa Academy noon.

"P-Pwede ba naming malaman kung anong nangyari noon?" tanong ni Yuki.

Lahat sila ay napatingin sa gawi namin ni Jikan. Kaming dalawa lang naman ang may kakayahang magpakita sa kanila ng nangyari noon.

"Shall we?" tanong ko sa asawa ko.

Tinanguan naman ako nito kaya naman tumayo na kami at saka nagtungo sa unahan.

Kagaya nung ginawa namin noon ni Koku ay  ipinakita ko ang nangyari sa screen na nasa conference room.

Bumakas ang gulat sa mga mata ng mga kaibigan naming wala noong sumugod ang Giin habang ang mga naro'n naman ay nabalot ng galit.

"Totoo ba 'yon?" nakamaang na tanong ni Yuki.

"Totoo 'yon. 'Yon mismo ang nangyari sa Academy," sagot ko.

"Pero bakit? Dahil lang sa one-child policy?" tanong naman ni Kabe.

"Hindi," sagot ni Jikan. "Front lamang ang policy na 'yon."

"What do you mean?" tanong ni Nasu.

"Ang mga anak natin," ani Jikan. "'Yon ang ayaw nilang mabuhay."

"Bakit?" tanong ni Tsuyoi. "Anong kinalaman ng mga anak natin sa kanila?"

"Ang mga bata lang naman ang nakatakdang pumalit sa Giin," kaswal na sagot ni Jikan.

Maging ako ay nagulat. Nanlalaki ang mga matang nagsitahimik kaming muli.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang makabawi ang lahat.

"Kung gano'n ay magiging maayos naman pala ang Academy lalo na at naririto naman ang papalit sa Giin," ani Yuki.

"Hindi," ani Chiteki. "Hindi gano'n kadali 'yon."

Tumango naman si Jikan. "Tama si Chiteki, hindi porke't naririto ang mga bata sa Academy ay magiging maayos na ang lahat. Hindi natin alam kung kailan mangyayari ang paghalili ng Q-Class sa Giin," anito.

"Bakit hindi mo tingnan?" suhestiyon ni Rufu kay Jikan.

Napaiwas ng tingin si Jikan bago ito bumuntong-hininga. "Sa totoo lang ay wala na akong makita ngayon tungkol sa paghalili ng mga anak natin sa Giin. Nagbago ang hinaharap," ani Jikan.

"Ano? Bakit?" tanong ko kaagad.

"May kulang," hindi siguradong sagot nito. "Parang may nagbago pero hindi ko maisip kung ano ang nagbago." Bumaling si Jikan kay Reki. "Gusto kong makita ang proseso na ginamit mo sa paggawa at pagpapagana sa time machine na ginawa mo noon." 

Tokushu Nōryoku Academy: The Return of the Q-ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon