Chapter 7: Rason

60 10 0
                                    

Lumipas na ang dalawang araw, Friday na, ngunit hindi pa rin ako kinakausap ni Rence. Sinusubukan ko siyang kausapin ngunit siya naman itong umiiwas. Tuwing break at lunch time, hinihintay ko siya sa tapat ng classroom nila at hanggang sa mag-bell, hindi pa rin siya nakakalabas.

Nagmumukha akong tanga sa kahihintay.

Dalawang araw na rin akong umiiyak dahil sa ginagawa niya. Patago akong umiiyak dahil ayaw kong may kumausap sa akin.

Palagi kong gustong mapag-isa, ngunit iba kapag si Rence ang kasama ko. Kaya ngayong iniiwasan niya ako, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng matinding kalungkutan. Hindi nga niya ako iniwan, ngunit unti-unti ko nang nararamdaman na iiwanan niya ako balang araw.

Tumulo na naman ang luha ko.

Ngumangawa na naman akong mag-isa.

Sinubukan ko siyang tawagan pero palagi siyang unattended. Kapag tine-text ko naman siya, walang reply.

"Baba," napatigil ako sa pag-iyak nang narinig ang nang-aasar na boses ni Tyler. Agad kong pinunasan ang luha ko saka siya tinignan. Tatayo na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko, pinaupo ulit ako, at umupo sa tabi ko. "You don't have to keep it in yourself. Kung nasasaktan ka, umiyak ka." Nakatitig lang ako sa kanya, nangingilid na naman ang luha. "Don't be afraid to show your tears. Even if it's me, you have to show that you're hurting."

Pinunasan ko na naman ang luha kong walang katapusan ng pagtulo, "B-bakit?"

"Because. . . I'll be here for you." Kahit na umiiyak, natawa pa rin ako dahil kinanta niya ito. Ginawa niya pang mikropono ang hawak niyang panyo. "Like you want me to. And I'll hold you tight."

Dahil sa ginawa niya, natawa ako. Gumaan nang kaunti ang sakit na naramdaman ko. Kahit na nahihiya akong aminin, sa sandaling ito, naipakita ko sa kanya ang tunay kong ako. Tahimik ako sa mga taong hindi ko ka-close lalong-lalo na sa mga lalaki. Ngunit kapag sa tingin ko ay magaan na ang loob ko sa kanya, nagiging masiyahin na ako at madaldal.

"If you're crying, I'll be the one to wipe your tears."

Nawala rin agad ang ngiti sa labi ko at sumeryoso ako.

Hindi ko hahayaan na siya ang magpunas ng luha ko dahil unang-una, kaya ko naman ang sarili ko, at pangalawa, may boyfriend na ako. At kung makikita iyon ni Rence, paniguradong magagalit siya sa akin. Mas malala pa kaysa sa pag-iwas ang gagawin niya sa akin— lalo na't pinagseselosan niya si Tyler.

"Tell me what's wrong." Nakatingin lang ako sa kanya, pero sa iba siya nakatingin. Ngayon ko lang napansin na sobrang tangos pala ng ilong niya, mahaba ang pilik-mata, at ang jawline niya. . . ang sexy. Napapikit ako nang bigla siyang tumingin sa akin. "Your secret's safe with me."

At pagmulat ko ng mata, ang una kong napansin sa kanya ay ang nunal niya na malapit sa labi.

"Ah. . . pasensya na, hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan pero. . . saka na kapag sa tingin ko ay close na tayo."

"How can we be close?" nagkibit-balikat ako. Nakita ko sa 'di kalayuan si Rence kaya lumiwanag ang mukhka ko. Napangiti ako dahil nakatingin sa akin ang prinsipe ko. Nang tumayo ako, nanlumo na lang ako dahil dumiretso siya sa paglalakad na para bang wala siyang pakialam sa akin. Walang gana akong umupo ulit at pinakinggan ang sunod niyang sinabi. "You don't have friends because you're not allowing yourself to have one."

"Istorbo lang sila."

"Why?"

"Dahil nagkaroon na ako ng isa noon, iniwanan lang ako."

"Is that the only reason?"

Napakunot ang noo ko. Ano bang gusto niyang ipahiwatig? "Hindi," pag-amin ko.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon