Chapter 34: Pagod

27 4 0
                                    

Patago pa rin ang relasyon namin ni Tyler. Natatakot kasi akong umamin kay Dianna at Angela. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa friendship namin kung nalaman nilang boyfriend ko na si Tyler.

"Anong plano niyo sa Christmas Party?" tanong sa akin ni Dianna, nakikikain siya sa binalot ko. "Exchange gifts lang?"

"Pag-uusapan pa namin. Mamaya pa malalaman kung ano ang theme."

Tumango siya. Lumapit din sa amin si Jamie at Angela na may dalang binalot. Himala, bakit may mga dala silang binalot? Kadalasan kasi tuwing lunch, sa canteen sila kumakain. Si Tyler naman, hindi ko alam kung saan nagpunta. Hahanapin ko na lang siya mamaya pagkatapos naming kumain.

"Penge ako," ani Dianna kay Jamie.

Akmang kukuha na ng ulam si Dianna sa binalot ni Jamie nang bigla siyang pinalo sa kamay ni Jamie. "Nambuburaot ka na naman."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Angela. "Ito na naman tayo. . ."

"Ang damot naman nito," nagtatampong saad ni Dianna.

"Anak ka ng may-ari ng school diba? Bakit kahit lunch lang, hindi ka makapag-provide sa sarili mo?"

Ouch. Ang sakit nun ha? Kahit hindi ako ang pinagsasabihan, nasaktan pa rin ako. Pero sa case ni Dianna, dahil sanay na rin naman magbangayan ang dalawa, parang wala lang sa kanila. "Hindi ba pwedeng tinatamad lang bumili?"

"Bakit ayaw mong utusan ang alalay mo?"

Nagkatinginan kami ni Angela at nagkibit-balikat lang siya. Kumain na lang kami at hindi sila pinansin.

"Sinong alalay?"

"Si Paul."

"Gago, hindi ko alalay yun."

"Ano mo siya?"

Napansin ko ang biglaang pamumula ng pisngi ni Dianna. "Kaklase natin, bobo." Kahit na ang harsh ng pagkakasabi niya, alam pa rin naman namin na biro lang iyon. Nasanay na kami sa bunganga niya.

"As our classmate, samahan mo siyang mag-lunch," paghahamon ni Jamie.

"Bakit ayaw mong samahan mag-lunch si Gian mo?"

Si Jamie naman ngayon ang namumula. Imbis na sagutin niya si Dianna, pumihit siya sa kanan niya para kausapin si Angela. "Saan si Romeo, Gelai?"

"Kasama si Demius, nagla-lunch sa canteen."

Siniko ako ni Dianna na katabi ko lang. "Si insan ba, Yana? Nasaan?" Himala. Bakit ako ang tinatanong nito?

Nagkibit-balikat ako.

Bakit puro mga lalaki ang pinag-uusapan natin?

"Oo nga pala, Yana. . ." pag-iiba ng topic ni Jamie. "Sa Cebu ka nagbakasyon nung Halloween diba?"

Nanlaki ang mata ko. Bakit sa harap pa mismo ni Angela at Dianna siya nagtanong sa akin? Alam ni Dianna na si Tyler ay nasa Cebu rin kaya magkakaroom soya ng clue na magkasama kami!

Kinakabahan akong ngumiti saka tumango.

"Hmmm. . ." dinig ko kay Dianna. Patay na, nanghihinala na siya. "Coincidence lang ba na nagpunta rin si Tyler sa Cebu?"

Sinubukan kong magsalita nang hindi kinakabahan o inuutal, at tagumpay naman. "Talaga?" gulat kong tanong. "Anong ginawa niya roon?"

"Hinahanap yung bagong kalandian niya, si Marie." Ako iyon. At hindi 'kalandian' ang tamang term. Tsk, kahit kailan talaga si Dianna. Minsan nakaka-insulto na ang lumalabas sa bunganga niya.

Naramdaman kong sinipa ako ni Jamie sa ilalim ng lamesa. Nag-eye contact kaming dalawa. Hindi niya alam ang tungkol sa amin ni Tyler, at ang pagpunta niya sa Cebu. Umiling na lang ako para hindi mahalata na nag-uusap kami through our eyes.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon