Chapter 33: Yearn

34 2 2
                                    

"Sure kang hindi mag-aalala sa'yo ang Mom mo?" tanong ko kay Tyler. Nakaka-dalawang linggo na kami rito sa probinsya at hindi man lang siya naglaan ng time para kausapin ang Mom niya na alam kong nag-aalala na. "Kausapin mo na siya."

"Later," tinatamad na aniya.

"Ngayon na."

"I'm sure she's busy taking care of my little brother. Besides, uuwi na rin naman tayo mamayang hating-gabi."

Uuwi na nga talaga kami mamayang gabi at ayoko nang bumalik, gusto ko na lang dito tumira. Mami-miss ko na naman ang mga pinsan ko, next year ko na naman sila makikita.

Mami-miss ko si Baby Shane na napakakulit, at ang mga magaganda kong pinsan na si Bridge at Yesha.

Nanalo kami sa laban, expected naman talaga ang resulta - sa pagpo-propose pa lang sa akin ni Tyler na maging official na kami. Ang daming nangyari pagkatapos ng laban. Una, kami na ni Tyler. Pangalawa, umamin si Andrei kay Yesha na may gusto siya rito. Sabi na nga ba't may gusto si Andrei sa pinsan ko noon pa man, torpe lang talaga. Mabuti na lang at sila ang pinili kong mag-duet sa kanta. Pangatlo, single pa rin si Bridge. Saklap no? Siya na lang ang single sa aming tatlo, at sana may mahanap siyang mas pogi kay Tyler (para hindi niya agawin sa akin si Tyler). Lapit kasi nang lapit si Bridge sa kanya, kaya imbis na magkaroon kami ng time para sa isa't isa, nawawala na lanh dahil kay Bridge. Hindi naman ako galit, naiinis lang dahil gusto ko sa akin lang ang boyfriend ko.

Haaaayyy. . . ang sarap sa ears pakinggan ng boyfriend.

BOYFRIEND KO NA SI TYLER.

At sana forever na ito.

Niyakap ko pa siya lalo, "Sure kang kakausapin mo Mom mo?"

"I think so," kibit-balikat niyang ani.

"Maging sigurado ka sa sagot mo!"

Natawa siya sa akin. "I'll talk to her. I promise."

Para i-celebrate ang pagiging official boyfriend-girlfriend namin, nag-date kami sa mall. Ang isa sa pinakadahilan kung bakit ayoko nang bumalik sa Batangas dahil alam kong safe kami rito ni Tyler. Safe kaming mag-date, safe kaming ipakita na magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Safe kami sa lahat, dahil wala rito ang mga kaibigan ko, at ang mga estudyante ng HU.

Malaya kaming ipakita sa lahat na kami na.

Kumain kami sa isang restaurant (si Tyler ang nag-insist, at libre niya raw kaya go lang ako), bumili ng mga damit ng pinsan ko, pasalubong para kay Jamie, Diana, at Angela, naglaro sa arcade nang mabilis lang dahil nabo-bore kami sa mga laro. Yumg typical na date lang, hindi naman kabonggahan.

Nang nagpunta kami ng NBS, bumili agad ako ng librong babasahin ko. Humiwalay muna kami saglit ni Tyler dahil may hinahanap ako sa Fantasy section, siya naman ay may hinahanap sa school supplies.

Pagkarating ko sa cashier, nandun na siya, nakatayo pero wala sa pila. Hinihintay siguro ako nito. May mga dala siyang coloring materials na hindi ko alam kung saan niya gagamitin. Habang papalapit ako sa kanya, napansin kong may mga babaeng tinitignan siya at pinagbubulungan.

Kumulo bigla ang dugo ko dahil pinag-uusapan nila kung gaano kagwapo ang boyfriend ko. Hindi ba nila alam na taken siya?!

Binagalan ko ang lakad ko at pinagmamasdan ang mga babaeng maharot. Maya-maya, nilapitan nila si Tyler at kinausap ito! Si Tyler naman, todo entertain sa mga babae!

Pambihira!

Nang nakalapit na ako sa kanila, nanlaki ang mata ni Tyler nang nakita akong nakangiti. Alam niya kung anong ibig sabihin ng ngiti kong ito, kaya lumayo siya nang bahagya sa mga babae at kinamot ang batok.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon