Chapter 25

33 7 0
                                    

Pagkalabas ko ng bar, natagpuan ko si Kyle na nakasandal sa sasakyan niya. Tinanguan niya ako pero dire-diretso ako sa paglalakad.

"Where's your boy?" hindi ko namalayan na nahabol na pala niya ako. Oo nga pala, ang tangkad na pala ng lalaking ito ngayon. Kung ikukumpara ko siya sa Kyle noon, yung height sobrang magkalayo pero yung itsura, ganun pa rin. Walang pinagbago. Pero mas matangkad pa rin naman si Tyler kaysa kanya. "Where is he?" pag-uulit niya ng tanong.

Hinarap ko siya, at pinameywangan. "Diba sinabi ko sa'yo na layuan mo na ako?"

"Pero hindi ko sinabi na lalayo ako."

Inirapan ko siya at nag-umpisa nang maglakad. "Ihahatid na kita sa inyo."

"No thanks." kinuha ko ang phone na nasa bag ko at di-nial ang number ni Tyler. Habang nagri-ring ito, "Magdi-dinner ako sa kanila."

"Edi ihahatid kita papunta sa kanila."

"Hindi na kailangan." Mamaya kapag nalaman ni Tyler na hinatid ako ni Kyle, magagalit sa akin. Binalaan na niya akong huwag kakausapin ang lalaking ito dahil ayaw niya rito. "Hello?" sagot ko nang nag-hello na si Tyler na sa kabilang linya. "Tapos na po ang gig ko. Nandito ako sa labas, hinihintay ka."

"Do not go outside, it's too dangerous."

"Opo, babalik na po ako sa loob."

"I'll be there in a sec, just wait for me."

"Okay po, ingat."

"Ingat din po."

At binaba ko na ang tawag. Tumakbo na agad ako sa loob para hindi na ako mapigilan ng lalaking ito. Nagpunta ako sa room ko ang ni-lock ang pinto para hindi talaga ako makausap ni Kyle.

Naiinis lang ako sa kanya, wala na siyang karapatan na ligawan ako dahil may iba na ako. Wala na rin siyang karapatan na kausapin ako dahil ayaw ko na sa kanya.

Habang hinihintay si Tyler, nagpatugtog muna ako ng gitara. Ilang days na lang, intrams na. Kinakabahan na nga ako hindi dahil sa nalalapit na The Voice, kundi sa Mr. and Ms. Intramurals. Wala namang question and answer pero kinakabahan pa rin ako.

Kinakabahan ako sa kung ano ang mangyayari. Hindi pa naman ako nakakaattend ng practice nila dahil busy rin ako as S.S.G. President.

Basta ang naririnig ko lang na flow ng Mr. and Ms. Intrams ay talent portion, tapos awardings.

Sure akong may mapapanalunan silang dalawa, lalong-lalo na sa talent. May ibubuga kumbaga.

Biglang nag-ring ang phone ko sa gitna ng paggigitara ko. Sinagot ko agad ang tawag. "I'm here. Where are you?"

"Sa loob ng dressing room ko."

"Papunta na po."

Hindi ko alam kung nasa labas si Kyle at hinihintay ako o tinigilan na niya ako sa paghahanap. Pero nagulat ako nang narinig ko ang boses ni Tyler na nagsasabi ng, "Back off, man."

Kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Nadatnan kong kinuwelyuhan ni Tyler si Kyle, at nakangisi si ito sa kanya!

"Fck off," sabi pa nito, nakangisi pa rin.

"You fck off," mariing sabi ni Tyler. Nakaramdam ako ng takot dahil sa nakikita ko ngayon. Sinasakal niya si Kyle at nagkukuyupos ito sa galit, samantalang si Kyle, nakangiti lang na tila nang-aasar. "Get out of this place."

"Why should I?"

"Because I said so."

"What if I don't?"

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon