Chapter 10: Own version

91 10 0
                                    

Gabi na ako nakauwi dahil pagkatapos ng practice, dumiretso na ako sa trabaho. Nadatnan ko si Mama na kasama si Sir Willard. Nagulat ako dahil first time niyang nakapasok sa loob ng maliit naming bahay. Kadalasan kasi kapag hinahatid niya pauwi si Mama, hanggang sa labas lang siya ng pinto.

"Hello, Yana," nakangiti niyang bati. Magkatabi sila ni Mama, at si Mama, hindi ko maintindihan yung itsura niya. Bakit niya pinapasok si Sir Willard? First time ito ha? Nginisian ko silang dalawa at nag-hello na rin. "Kamusta na?"

"Okay lang naman po, Sir."

Dahil sa sinabi ko, saglit silang nagkatinginan saka biglang tumawa. "Don't call me 'Sir'. Just call me Dad, or Tatay or. . . or something related to family."

Saglit na lumukso ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Ano ang ibig sabihin nito?!

"Sige po Sir— err. . . Dad." Mas lumawak ang ngiti niya nang narinig niya ang salitang 'Dad'. Iyon na lang ang tatawagin ko sa kanya kaysa 'Papa' dahil si Papa ay si Papa.

"Kumain ka na, anak."

"Sige po, Ma. Uh. . . Dad. Kakain na po ako," tumungo akong kusina at iniwanan silang dalawa.

May tinatago sa akin si Mama. Hindi kaya. . . nagsisimula na siyang buksan ang puso niya?

Mula sa kusina, natatanaw ko ang mga ginagawa nila. Nagtatawanan silang dalawa tapos. . . magkahawak-kamay pa! Hindi tuloy ako makakain nang maayos.

Pagkatapos kumain, hinugasan ko ang kinainan ko saka pumasok na ng kwarto. Hindi ako napansin ng dalawa na dumaan sa likuran nila dahil pareho silang nakasandal sa sofa at nagkukwentuhan. Agad akong humilata pagkapasok ko ng kwarto at tinignan ang phone ko.

Walang messange na galing kay Tyler, pero kay Rence meron.

From: Prince <3

Pwede ba tayong magkita sa Lunes?

Anong ire-reply ko? May practice pa rin kami sa Lunes kaya anong oras siya makikipagkita sa akin?

To: Prince <3

Sige. Anong oras ba?

Wala pang isang minuto, tumawag siya. Pagkasagot ko, "Anong oras ka ba pwede?" agad na tanong niya.

Na-miss ko ang malalim niyang boses. Na-miss ko siya. Oo, kahapon lang kami nagkita pero miss ko na agad siya. Sana naman magbago pa ang isip niya, sana hindi na siya makipaghiwalay sa akin.

"M-may trabaho pa ako, eh."

"Ah, ganun ba? Sige sa susunod na—"

Pinutol ko ang sasabihin niya, "4. 4 o' clock ng hapon, pagkatapos ng klase."

Bakit sa Lunes pa? Bakit hindi na lang ginawang bukas?

Narinig ko ang nakaka-in love na tawa niya sa kabilang linya, "Nasaan ka kanina?"

Nagulat ako sa tanong niya. "B-bakit?"

"Pumunta kasi ako sa bar, wala ka dun."

"Nag-practice kasi ako. May performance kami sa Friday na."

"Saan?"

Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kapag nagsabi ako ng totoo, paniguradong mag-aaway na naman kami, hindi na matutuloy ang kitaan namin sa Monday. Pero kapag nagsinungaling ako, makokonsensya naman ako. "Nasa bahay lang naman ako ng taong pinagseselosan mo," iyan ba ang sasabihin ko? Parang iba ang maiisip niya kung ganun.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon