Chapter 45

16 2 0
                                    

Naalimpungatan ako nang naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Tyler. Inangat ko ang ulo ko para tignan siya at biglang nakaramdam ako ng ngalay dahil sa pwesto ko sa pagtulog.

"Hmm?" inaantok kong tanong.

Tumayo na siya pero nanatili pa rin akong nakahiga. Gusto ko pang matulog, ayaw pa ng katawan ko na gumising. Antok na antok talaga ako.

"Wake up, babe," kinalabit ulit ako ni Tyler.

UGH.

"Anong oras na ba?!" inis kong tanong.

"3 AM. C'mon, wake up. We still need to get home."

ANG AGA PA HA!

Mamaya pa namang 5 PM ang concert. Kailangan ko munang magpahinga, napagod ako sa pagpa-practice kahapon. Ang harsh sa akin ni Demius, sinisigawan ako sa tuwing sumasala ako sa tono.

Kinuha niya ang unan na hinihigaan ko para bumangon ako pero nanatili pa rin akong nakahiga. Narinig ko ang paghalakhak niya habang kinikiliti ako sa tagiliran.

Naiinis kong hinawi ang kamay niya at biglang umupo. Humiga ulit ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

Lumuhod siya sa tabi ko sabay pinaglaruan ang buhok. May kinuha siyang kung ano man sa bulsa ko. Mula sa pagkakahiga, hinila niya ang braso ko hanggang sa nakaupo na ako nang tuluyan.

"Wake up, sleepyhead!"

Ginulo ko ang buhok dahil ang kulit niya. Agad naman niya iyong inayos gamit ang daliri na nagsisilbing suklay. Nakaharap siya sa akin habang tinatalian ang buhok ko. At habang ginagawa niya iyon, napapatitig na lang ako sa kanya.

Natulog ba ang isang 'to?

Bakit parang hindi man lang ito nagmukhang bagong gising? Wala man lang muta sa gilid ng mata, walang panis na laway sa labi, hindi rin mugto ang mata niya!

Nang nagtama ang paningin namin, ngumisi siya sabay halik sa noo ko.

Ponytail lang ang ginawa niyang pagkakatali sa buhok ko pero ito na ang naging paborito kong tali.

Umuwi muna kami sa bahay para mag-ayos ng mga gamit. At siyempre ituloy ang tulog.

"Guys!" anunsyo ni Freiah sa lahat ng mga kaklase namin. "May after party tayo bukas ha!"

Agad namang nagsalita si Paul. "Hindi pa nga sure kung panalo."

Inirapan naman siya ni Freiah. Nagtama ang paningin namin, kinindatan naman niya agad ako. "'Wag kang pa-humble, Paul. Alam mo rin na mananalo kayo," sarkastiko nitong untag.

Natawa si Paul sa pahayag niya. "Taas ng expectation ha!"

"Talaga!"

Sakto namang dumating si Dianna na nakabusangot ang mukha. Hindi siya napansin ng iba dahil nakatuon ang atensyon nila kay Freiah na ina-announce kung saan ang after party. Pinagmamasdan ko siyang umupo sa upuan niya. Pinagmamasdan ko rin ang paglapit ni Paul sa kanya at ang pag-upo nito sa table niya.

Dahil malapit lang ako sa kanila, naririnig ko ang usapan nila.

"Nakakain ka na?" malambing na tanong ni Paul sa nakakunot-noong Dianna. Umiling naman ito bilang sagot. "Kumain ka na."

"Busog pa ako."

Hinawakan ni Paul ang kamay ni Dianna na nakapatong lang sa table. "Tara?"

"Bingi ka ba?! Busog nga ako eh."

Umismid si Paul. "Umagang-umaga, badtrip?"

"Gago 'wag ka nang dumagdag pa."

Naghiyawan ang nga kaklase namin. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng paghiyaw nila dahil pinagmamasdan ko ang dalawa.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon