Chapter 21: Moment Between the Two

64 9 0
                                    

"May suggestions ba kayo sa kung ano ang magiging theme ng Intrams natin?" Tanong ko sa mga ka-SSG ko.

Nandito kami ngayon sa SSG room para pag-usapan ang tungkol sa Intrams. Kailangan bongga ito dahil may pupuntang taga-ibang schools dito para kalabanin ang mga varsities namin.

Tumaas ng kamay si Khareeza. "Since Intrams naman itong pinag-uusapan natin, why not "being sporty" ang theme natin? Lagyan ng designs ang stage natin about different kinds of sports. Ganun din sa suot natin."

Nagsalita si Seth. "One week ang intrams, edi ibig sabihin isang linggo tayong magsusuot ng pang-sports?"

"Why not diba? We're an elite school so we can provide uniforms. Gawin na lang natin na specific sport every day.We just have to inform the seamstresses so that they will make them immediately"

"But not every student can pay for the uniforms. Don't you think it's a bit costly?"

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Seth. Masyadong magastos kapag magpapatahi pa. Saka hindi garantisado kung makakapagbayad ba ako dahil malamang sa malamang, ginto ang presyo ng uniform dito. Kailangan ginto ang mga gamit dito dahil puro mga mayayaman ang narito. Kahit na karayom, kailangan ginto.

Narinig ko ang pag-tsk ni Khareeza. Napansin ko rin ang pag-irap niya. "So tayo ang mag-aadjust para sa mga poor people?"

Ako ba ang pinaparinggan nito?

"Don't call them poor!"

"Oh. . . what's the best word should I describe for them? Poverty-stricken; penniless; impoverished; necessitous, impecunious; indigent; NEEDY?" mataray na saad niya, may diin pa sa huling salita.

Biglang sumingit si Ate Mikay. "Khareeza, that's below the belt. Just because someone doesn't agree to your suggestion, doesn't mean that you have the right to degrade others."

At ito ang oras na sumingit ako. "O-okay lang naman sa a-akin kung magpapatahi ng uniform para sa intrams." Napahawak ako sa palda ko, tila kinakabahan sa tingin nila — lalo na ni Khareeza. "May ibang schools ang darayo rito kaya kailangan paghandaan natin nang mabuti." Tinignan ko sila isa-isa at natigil ito kay Tyler, pinaglalaruan ang pang-ibabang labi habang nakatingin din sa akin. "Kaya huwag na kayong mag-alala. Sundin na lang natin ang suhestiyon ni Khareeza at huwag nang mag-away pa."

"But what about you?" nag-aalalang tanong ni Seth.

Hindi ako makapagsalita. Paano nga ba ako? Paano na si Mama? Hindi naman niya kayang bayaran agad-agad dahil hindi naman kami mayaman kagaya nila.

"No worries." Biglang sabi ni Tyler.

Kahit naguguluhan sa sinabi niya, "Oo. Tama siya. Huwag kayong mag-alala," pa rin ang sinabi ko. Napansin ko ang pagtango ng kalahatan. "Kuya Gian, pa-announce naman po sa lahat ng students dito sa school natin na kukuhanan natin sila ng measurements para sa uniform."

"Yes, Ma'am." Naka-salute niyang aniya.

"Salamat, Kuya." Lumingon naman ako kay Khareeza. "Ikaw na bahala sa dress code. Ilista mo kung anong sport ang susuotin natin, idikit sa bulletin board, at i-announce sa lahat."

"Yes, of course."

"Okay, meeting is adjourned."

Hinintay ko muna silang lahat na makalabas bago bumigay ang paa ko sa sobrang kaba. Napaupo tuloy ako nang wala sa oras.

Ang ayaw ko sa lahat yung makikipagtalo pa ako sa taong alam ko naman na wala akong pag-asa na manalo pa. Kaya magpaparaya na lang ako at lunukin ang pride ko kaysa mapahiya sa harap ng karamihan.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon