Chapter 42: Over

18 3 0
                                    

Naiinggit ako sa freedom ni Freiah na makipaglandian kay Tyler. Naiinggit ako dahil walang pumipigil sa kanya. Samantalang ako, tinatago ko lang ang galit at selos na nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko siyang nakakapit nang mahigpit sa braso ng boyfriend ko.

Kung ipagpapatuloy ko itong secret relationship namin, alam kong mapapagod na naman si Tyler at hindi ko kaya na makita siyang ganun sa akin. Kung magbe-break na naman kami, may malaking tendency na landiin na naman siya ng haliparot na si Freiah, pero dahil walang pumipigil sa kanya, kukuhanin niya si Tyler.

Ayoko.

Hindi ko kayang tanggapin na ganun ang mangyayari.

Kaya this concert, aaminin ko na sa mga barkada ko. . . at sa lahat. . . ang tungkol sa amin ni Tyler.

Pagkarating namin sa dagat, nag-check-in sila Tito't Tita sa hotel. Nagbihis muna ako ng rash guard sa C.R. na tinawanan ni Tyler pagkalabas ko. Pabiro ko siyang pinalo sa braso niya. "'Wag kang mag-expect na magbi-bikini ako," pinangunahan ko na siya.

Halata naman sa itsura niya na gusto niyang magsuot ako ng bikini! Manyak talaga ang lalaking ito.

"Well, you look sexy in your rash guard."

"Sexy ka riyan. Ang daming sexy oh!" Sabay tinuro ko yung mga babaeng naka-bikini sa dagat. Tinuro ko rin yung isang babaeng naka-bikini habang nagsa-sunbathing. "Oh tingin pa!" Hinila ko agad ang tenga niya dahil nahuli ko siyang pinagmamasdan ang katawan ng mga babae.

"Oww, that hurts!" Angal niya pero hindi ako nagpatinag.

"May pa-'oww' ka pang nalalaman, sarap na sarap ka nga sa nakikita mo sa paligid." Nakooo! Subukan niya lang tumanggi na hindi niya pinagnanasaan ang mga babaeng ito. Halata sa mukha niya! Akala niya hindi ko pansin?! Ordinary lang ba ang reaksyon na nanlalaki ang mata habang nihe-head to toe ang mga babae?! Malamang kanina pa tong naglalaway kung wala ako.

Tinaasan niya ako ng kilay at sinabing, "Seriously, babe?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Kumukulo talaga ang dugo ko, akala niya inosente siya ha. "'Wag mo nga akong tawaging babe, tsk."

"Please don't get angry," pagmamakaawa niya sa akin. "I know you're jealous right now but trust me. . . these girls"—tinuro niya ang mga babae— "they all look the same: normal; whereas you. . . you look. . ."

"Abnormal?"

"Adorable."

Inirapan ko lang siya tapos humalukipkip. Tinakpan niya ang bibig at napansin kong nagpipigil siya ng tawa. Tsk, tignan mo! Puro panloloko lang ang lumalabas sa bibig. Hindi ako kinilig sa "adorable" na sinabi niya, nainis pa ako lalo.

Kalaunan ay humupa rin ang inis na nararamdaman ko sa kanya dahil sa tuwing may kumakausap sa kanyang babae, hindi niya ito pinapansin. Nilalapitan niya ako agad para ipamukha sa kanila na taken na siya.

Nakaupo kaming dalawa ngayon sa buhangin —hindi iniinda ang sakit na nararamdaman dahil sa dumidikit na buhangin sa balat namin— at pinagmamasdan ang karagatan. Ilang taon na rin akong hindi nakakapasyal sa dagat kaya masaya ako ngayon dahil nandito ako ngayon. Kahit na mainit ang panahon, nagbabad pa rin ako sa tubig kaya malamang puro sunburn na itong mukha ko bukas.

Niyakap ko ang tuhod, "Thank you nga pala, sinama niyo ako rito."

"Thank you dahil sumama ka."

"Anong ibig mong sabihin?"

Mula sa pagmamasid sa karagatan, sabay kaming napalingon sa isa't isa. "Boring kung wala ka eh," nakangiting sabi niya.

Napangiti rin ako at dinantay ang ulo sa balikat niya. "Babe?" Ramdam kong napaigtad siya dahil sa tinawag ko sa kanya. Minsan ko lang siyang tinatawag na 'babe'. Wala rin naman kaming official na endearment kaya magse-settle na lang muna ako sa babe. "Sasabihin ko na sa mga kaibigan ko ang totoo."

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon