Chapter 30: Heartless

54 7 0
                                    

Mga dapit-hapon na kami nakarating sa probinsya, at nakakapagod talaga ang biyahe. Pero nawala rin naman agad dahil sa hospitality ng mga tao rito.

Niyakap ko agad si Yesha at si Bridgette nang nakita ko sila. Sila ang sobrang ka-close kong pinsan, ka-age ko rin, parehong singer, at silang dalawa ang nagregalo sa akin ng gitara nung birthday ko.

"Kamusta na, Yana?" masayang tanong ni Yesha.

"Okay naman, maganda pa rin," biro ko saka siya kinindatan.

"Bakit hindi kasama si Rence?" tanong naman ni Bridgette-Bridge.

Kasama kasi si Rence last year sa pagpunta rito, at pinakilala ko siya bilang boyfriend ko. Lahat naman ay sang-ayon. Yun nga lang, wala na kami ngayon. "Friends pa rin," kaswal kong sagot.

Pabiro akong hinampas ni Bridge sa braso. "Anong friends lang? Baka ikakasal na kayo ah?"

Natawa ako sa batid niya. Baka nga mag-madre na lang ako o kaya maging matandang dalaga sa future. Masaya naman na ang buhay kapag single ka, at alam mong committed ka kay Lord. "Hindi no. Break na kami."

"HA?!" Gulat nilang untag. Tinanguan ko lang sila. "P-paano? Bakit?"

"Ang sweet niyo kaya noon!" bakas kay Yesha ang panghihinayang nang mabalitaang hiwalay na kami ni Rence.

"Hindi na kinaya. Sobrang busy kasi, saka nakita kong may kahalikan na iba." Natatandaan ko pa noon na palagi kaming nag-aaway tapos nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Psh, ang saklap talaga ng lovelife ko. Pareho akong naloko sa taong minahal ko.

"Sayang naman," ani Yesha.

"May bago ka bang boyfie?" taas-kilay na tanong ni Bridge.

"Wala," prente kong sagot. Bakas sa mga itsura nila na hindi sila kumbinsido sa sagot ko.

"Kahit manliligaw?" Hindi ako makasagot. "Huy, te? Nasaan ka na?" Pinisil pa ako ni Yesha sa pisngi para lang magising ako.

"M-Meron naman."

"Talaga?" tumango ako. "Sino?"

"Huwag niyo nang alamin," natatawa kong ani. "Mabilis lang ang span ng panliligaw niya."

"Why?"

Bakit ang curious nilang masyado sa lovelife ko?!

Upang malihis ang usapan, tinanong ko si Yesha. "Kamusta naman ang mga sinasalihang competition?"

Mabuti naman at nakalimutan na niya agad ang usapang lovelife. "Nako, puro second place lang ako."

"Ganun ba? Sumali ka nang sumali para manalo ka. Siguro yung mga nasasalihan mo, iyon talaga ang sign na mas magiging magaling ka pa sa susunod. Go lang, huwag ma-disappoint, mas magaling ka pa nga sa akin," page-encourage ko. Sa aming tatlo, siya ang pinakamagaling na mang-aawit sa opinyon ko.

"Hala. Kahit ikaw yung pinakamagaling?"

"Hindi ah."

"Nako! Ikaw nga itong malayo-layo na ang nararating."

Kumunot ang noo ko. Anong malayo ang narating? Hanggang gig pa lang naman ako, at matagal-tagal na akong hindi nakakasali sa mga singing competition except lang sa school.

"Yana, magmano ka naman sa mga lola at lolo mo," at nagmano nga ako.

Habang nagmamano ako, pinakilala ni Mama si Sir Willard bilang boyfriend niya. Tsk, para talagang bata si Mama, eh. Pero ang strong nila. Halata mong faithful si Sir Willard sa kanya. Hindi pa ako sanay na tinatawag siyang Dad-pangmayaman kasi ang datingan.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon