Chapter 2: Transferee

136 12 2
                                    


"Ms. President, makikidikit naman nitong flyers sa bulletin board natin, please," utos sa akin ni Mrs. Hilton, ang school principal namin.

"Sige po, Mrs. Hilton."

Kinuha ko na sa kanya ang mga flyers at dumiretso sa bulletin board. Nakalagay dito ang mga tatakbo sa susunod na halalan. May dalawang party list na magkakalaban at wala nang tatakbo bilang President dahil automatic na ako na ang president, ayon kay Mrs. Hilton. Mapagkakatiwalaan at disiplinado raw ako kaya ako na lang daw ang mamahala sa Supreme Student Government o SSG — basta lang hindi ako babagsak sa mga subjects.

Kaya ngayon, Vice President hanggang representatives na lang ang pagbobotohan ng mga estudyante.

Habang dinidikit ko ang mga flyers, may mga estudyanteng tumitigil sa paglalakad at binabasa ang pinapagkit ko. May mga rume-react, mayroon namang tahimik lang.

Pagkatapos ng gawain ko, may nag-text sa akin kaya dali-dali kong kinuha ito sa bulsa ng palda ko saka binuksan. Napangiti ako sa nalaman sa kung sino ang nagtext.

From: Prince <3

Kain ka na, Princess? :*

Tumango ako kahit na hindi naman niya alam.

Pumunta na ako sa canteen dahil alam kong nandoon siya. At hindi nga ako nagkakamali, malayo pa lang tanaw na tanaw ko na siya at ganun din naman siya sa akin. Kumaway pa siya para makita ko talaga siya. Lumapit ako sa kanya, pinaupo niya ako.

Pumalumbaba siya sa mesa, "Anong gusto mong pagkain?" malambing na tanong niya.

Ngumiti ako, "Kahit ano basta ikaw ang pumili."

"Tsk, may pagkain bang kahit ano?"

Tumawa ako, "Sige, sige. Yung favorite na lang nating dalawa."

Tumayo na siya at nag-order na ng kakainin namin.

Habang naghihintay, may mga bulungan akong naririnig na galing sa mga kababaihan.

"Sayang si Rence, no?"

"Ha? Bakit naman?"

"Taken na, eh."

"Bagay naman sila ni Yana. Sila nga ang perfect couple rito, eh."

Nakapangalumbaba akong tinitignan at pinapakinggan sila. Nang napansin ng isang babae na nakatingin ako sa kanila, nanlaki ang mata niya tapos siniko niya ang katabi niya dahilan para matigil ito sa pagsasalita. Pinagtaasan ko sila ng kilay tapos nginitian, sakto naman ang pagbalik ni Rence.

"Thank you," saad ko.

"You're always welcome, princess."

Tinignan ko ulit yung dalawang babae, pinagbubulungan na naman nila ako. Napabuntong hininga ako. Sanay na ako sa mga bulungan, simula pa lang nung bata ako. Pakialam ba nila na may nakapasok na mahirap na estudyante rito sa school nila? Hindi ba sila nausuhan ng scholarship? Sabagay, mga galante.

Natigil lang ako sa pagsubo nang biglang natawa si Rence kaya nilingon ko siya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin. "Huwag mo nga akong titigan," ani ko sabay irap.

Sa totoo lang, hindi talaga ako mataray; mabait ako. Nagmumukha lang akong mataray dahil sa tingin ng mga tao, pinanlilisikan ko raw sila ng mata. Ewan ko sa kanila, sila na bahalang humusga sa akin.

"Do you remember the first time we met?" tumango ako. Iyon yung concert ni — ayaw kong banggitin ang pangalan niya. "Tapos yung pangalawa?" tumango ulit ako. Yun yung pagkatapos kong basahin ang sulat niya, narinig niya akong ngumangawa na parang bata. Imbis na patahanin ako, tinawanan lang niya ako kaya mas lalong ngumawa ako. "Yung pangatlo?" tumango ako pero this time may halong pagtataka na. Kinabukasan nun, nagkita ulit kami. Anong meron? "Yung pang-apat? Panlima?"

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon