Chapter 5: MK

103 12 0
                                    

 "Stay here, Alliana."

Kinilabutan ako sa boses niya!

Pero umupo pa rin ako, sa tapat niya nga lang. Ayaw kong makipag-usap sa kanya ngayon ngunit ito naman siya, dinadaldal ako.

"I don't know you yet," nakakunot-noo ngunit nakangiting tanong niya.

"I'm Alliana Chavez," pormal kong sagot.

Nakatuon ang buo kong atensyon sa pagkain ko. Pinagdarasal ko nga na sana magsalita ang pagkain at kausapin ako — mas maganda pa iyon kaysa kausapin ako ng lalaking ito. May kung ano sa aura niya na sa tuwing nakakausap ko siya, nababadtrip na lang ako at tinatamad.

Narinig ko ang tawa niya na ikinainis ko pa lalo.

"Yes, yes. I know your name. What I don't know about you. . ." humalukipkip siya dahilan para mangibabaw ang maskulado niyang braso. ". . . is yourself."

"Ha?"

Nag-tsk siya sabay inirapan ako! "Share your thoughts! Closure. You need to be open."

This time, ako naman ang umirap sa kanya, "Pasensya na, hindi tayo close," at tinuloy ko ang pagnguya.

Tsk, feeling close naman niya masyado ah? Ilang araw pa lang kaming magkakilala, closure agad? Hindi ako madaling magtiwala sa mga tao, at sana kahit hindi ko iyon sabihin sa kanya, maintindihan niya.

"Hmmm. . ." akmang nag-iisip siya kaya napatingin ako sa kanya. "Then I'll be the one to share." Hindi ako umimik, talagang pinapatunayan ko sa kanya na wala akong pakialam. "When I was a kid, my family and I stayed here in the Philippines but my Dad decided to migrate."

"I don't care," untag ko.

Ngumiwi siya, "It's because you're avoiding me."

"Pwede ba, tigilan mo iyang kai-english mo, nakakadugo ka lalo," pag-amin ko. Totoo naman, eh! Ako, kahit na marunong akong mag-english, hindi ko pa rin ito ipinagmamayabang sa mga tao. Siya naman, palibhasa lumaki sa ibang bansa. Pero kahit na! Matuto siyang mag-tagalog dahil hindi ikauunlad ng bansa ang pagiging english-ero niya!

Buti naman at tumahimik siya sa sinabi ko kaya naging hayahay na ang buhay ko habang kumakain. Tinuon niya sa lamesa ang kanyang kanang kamay, yung kabila naman, ipinangtuon niya sa mukha niya, at pumangalumbaba. Tahimik siya — pinagmamasdan ako.

Dahil sa titig niya sa akin, nahiya ako. Yumuko ako at tinakpan ang mukha gamit ang mahaba kong buhok upang hindi niya makita.

"Ang haba pala ng baba mo?"

Naramdaman ko ang biglaang pag-init ng mukha ko.

Grabe naman! Kailangan talagang sabihin?!

Hindi ko naituloy ang pagsubo ng kanin dahil sa sinabi niya. Saglit pa kaming nagkatinginan ngunit bigla kong pinalupot ang mukha ko gamit ang buhok ko sa sobrang kahihiyan.

Narinig ko ang malakas niyang tawa. "You wouldn't want me to speak Tagalog." Ang sarap niyang murahin! Nakakahiya ang sinabi niya ah? Hindi pa ako nakaranas na may nang-asar sa akin na mahaba ang baba ko, kahit si Rence. Saka. . . masakit, dahil tinagalog niya pa! "Baba. Psst. . ." nakailang tawag siya sa akin pero nanatili pa rin ako sa posisyong iyon. "Napahiya ka ba?" nanunuksong tanong niya. Hindi ako sumagot. "That's what you call 'nakakadugo'."

Dahil nakapulupot ang buhok ko sa buong mukha at namumula pa ako sa sobrang kahihiyan, pinagpapawisan ako nang todo-todo. Nakikita ko pa naman siya kaya alam ko ang ginagawa niya. Nang tumigil siya sa pagtawa, tumikhim siya at naramdaman ko ang paghila niya sa buhok ko.

"Hey," tawag niya, hindi ko ulit siya pinansin. Kumuha siya ng isang hiblang buhok sa akin sabay hila ulit. "Talk to me."

"Tigilan mo nga kasi ang pagi-english mo," inis na usal ko.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon