Chapter 18: Deceit

67 8 0
                                    

Masama siguro ang loob ni Tyler sa akin. Hindi ko naman alam na hihintayin niya pala ako. Pero nakonsensya ako. Hinihintay na pala niya ako sa school, tapos nung hindi niya ako nakita, tumakbo pa siya papuntang sakayan para hintayin ulit ako.

Hindi niya ako kinakausap.

Hindi ko rin siya kinakausap.

Sabihin na nating mataas ang pride ko, pero ayaw ko talagang suyuin siya. Nakakatakot kaya baka kapag ginawa ko iyon, singhalan niya lang ako. Saka ayaw ko lang siyang suyuin.

"Yana, bakit hindi kayo nag-uusap ni insan?"

"Wala lang," sagot ko.

"Nag-away na naman ba kayo?" tanong naman ni Jamie. "Nako, alam ko kung saan iyan tutungo."

"Hindi kami nag-away." tanggi ko. Hindi naman talaga kami nag-away. Wala namang sagutang nagaganap. Alam kong nagtatampo lang iyan sa akin kaya hindi niya ako pinapansin. "Saka, wala kaming patutunguhan."

"Bakit naman?"

"Dahil wala naman talagang kami." seryosong sabi ko sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Siya at ako lang."

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbuntong-hininga. Dahil akala niya mayroong "kami" ni Tyler? O dahil masaya siyang walang "kami". Ewan ko.

"Akala ko mag-on kayo," aniya. At sa paraan ng pagkakasabi niya, sa tingin ko ang kasagutan ay ang pangalawa. Bakit kaya? "Yung promise natin diba? Nitong nakaraang araw kasi, napapansin kong palaging nakabuntot sa iyo si Tyler so I thought that you were lovers."

"Hindi." pagtanggi ko.

"So friends lang?"

Tumango ako. "Hanggang dun lang."

Sabay kaming nag-lunch kasama sila Angela at Dianna. Habang kumakain, medyo dumadaldal na si Angela.

"Gala tayo sa Saturday," nagulat pa ako nang bigla siyang nag-ayang gumala!

Kakaiba. Pati si Dianna, nagulat din. "First time kong narinig iyan sa'yo, ha."

"Hindi pa kasi tayo nakakagala nang kasama si Yana."

"Sige ba. Go ako riyan." pagsang-ayon ni Jamie.

"Sa Saturday na agad?" Tanong ko.

Napansin kong sabay pumasok si Freiah at Tyler. Galing sigurong canteen, sabay na naman kumain. Naaasar ako sa ngiti ni Freiah, abot-tenga. Akala mo naman may gusto talaga sa kanya si Tyler.

Ito namang si Tyler, paasa.

Pinakita ni Freiah ang bagong nail-polished na kuko niya kay Tyler. Itong lalaki naman, tinignan na nga, hinawakan pa ang kamay ni Freiah!

"Hindi dzae, sa susunod pa." pamimilosopo ni Dianna.

Kahit na hindi nakakatawa, pinilit kong tumawa nang malakas. Dahilan upang mapatingin sa gawi namin ang "naglalampungan" na si Tyler at Freiah.

Saglit na nagtama ang mata namin, agad din akong umiwas.

"Ang O.A ha?" maarteng saad ni Jamie.

"Sige, sige, sasama na ako." sabi ko. Pagkatapos kumain, tumayo ako at nagpaalam sa kanila na pupunta ng C.R. pero ang totoo naman ay pupuntahan ko si Rence sa gym.

"Sige, bilisan mo," bulong sa akin ni Jamie.

"Huh? Bakit?"

"Basta. May itatanong lang ako sa'yo." seryosong aniya.

"Sige."

Saglit lang ako dun. Titignan ko lang kung nagpa-practice ba si Rence, yun lang.

At iyon nga, nagpa-practice nga siya. Pero hindi kagaya ng dati na matamlay. Ngayon, aktibo siya sa paglalaro. Napangiti ako sa nasaksihan. Mukha akong stalker niya.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon