Chapter 35: Christmas Party

25 3 0
                                    

Ilang araw na lang bago mag-Christmas Party. Napansin ako ni Jamie na malungkot kaya nilapitan niya ako. "What's wrong?"

"Si Tyler kasi. . ." Simula ng pangyayaring iyon, medyo lumalayo na sa akin si Tyler. Ang cold na ng pakikitungo niya, hindi na siya pumupunta sa gig ko, sa tuwing hinahatid niya ako pag-uwi, bye lang ang sinasabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinakpan ko ang mukha gamit ang dalawa kong palad. Sobrang nahihiya na ako sa sarili. "Aamin na ako."

"Kanino?" takang tanong niya.

"Sa kanila."

Inirapan agad ako ni Jamie. "Klaruhin mo naman, te. Like duh?"

"Kay Dianna at Angela."

Pagkasabi ko ng pangalan nila, bigla siyang napatayo. "Seriously?!" gulat niyang tanong. Tumango ako. "Gusto mo bang magkawatak-watak tayo?!"

Pinaupo ko siya dahil ang daming nakatingin sa amin. Narito kami ngayon sa loob ng auditorium, pina-practice namin ang lines sa play namin na Romeo and Juliet. Sa mismong Christmas Party ito gaganapin, at ito ang magse-serve as performance task namin sa MAPEH.

As usual, si Tyler ang Romeo. Si Freiah naman bilang Juliet. Nung una, si Jamie sana ang gagawing Juliet pero tumanggi siya dahil ayaw niyang magtampo ulit ako sa kanya.

"Ayoko nga," malungkot na saad ko.

"Pero bakit aamin ka na?"

"Para kay Tyler." Kumunot ang noo niya. "Nahihirapan na rin kasi siya sa estado ng relasyon namin."

"Big word ang estado ha," biro niya. "Hindi ko alam na makata ka pala. . . with all your words. Ang lalalim." Kahit na malungkot ako, napangiti niya ako sa sinabi niya. "Well anyways. . ." bumuntong-hininga siya sa niyakap ako nang mahigpit. "Mahirap talaga ang patagong relasyon and as your friend. . . well. . . I think today's not the right time to tell them about your relationship with Tyler."

Kumawala ako sa yakap ar hinarap siya. "Paano mo naman nasabi?"

"Just a wild guess. Alam kong magagalit sila, pero kapag umamin ka sa right time, I think hindi malala ang galit nila." Ngumiti siya sa akin nang sobrang tamis pero alam kong pilit lang ito. "I think?" pahabol pa niya.

Kung hindi ako aamin, mas lalayo sa akin si Tyler. Kung aamin naman ako, magagalit sa akin mga kaibigan ko. Ughhh, bakit kasi ang tanga-tanga ko at ginawa ko pa ang promise? Gusto kong bawiin ulit iyon.

"Ikaw ba? Kailan ka aamin?" tanong ko sa kanya.

"Anong aaminin ko sa kanila?"

"Sa inyo ni Kuya Gian," pagkasabi ko ng pangalan, bigla siyang namula.

Alam kong may tinatago rin si Jamie sa amin. Kahit hindi niya sabihin, nakakaramdam akong magkatulad kami.

"Secret lang natin ito ha?" bulong niya. Inilapit ko ang tenga sa bibig niya upang marinig kung ano ang sasabihin. "Naging kami ni Gi."

This time, ako naman ang napatayo.

TALAGA?!

Tapos ang tawag niya kay Kuya Gian na 'Gi'. SABI NA NGA BA! Bakit ngayon niya lang ito sinabi sa akin?

Marahas niyang hinila ang uniform ko kaya muntikan ko na siyang madaganan. Inilapit ko ulit ang tenga ko sa bibig niya. "Pero nag-break din kami agad."

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon, bigla agad akong nanlumo. "Bakit?" Nanghihinayang kong tanong.

Bakit sila nag-break? Sobrang sweet kaya ni Kuya Gian kay Jamie kahit bago kami naging friends. Pansin ko na pinagmamasdan ni kuya si Jamie sa tuwing nagkakausap sila. Tapos one time habang naglalakad ako patungong garden, nakita kong may dino-drawing si kuya sa papel. Tingin siya nang tingin sa bintana, mukhang may pinagmamasdan at ginagawang inspirasyon sa pagdo-drawing niya. Pinagmasdan ko rin nang mabuti kung sino ang pinagmamasdan niya: si Jamie. May hawak siyang mga rosas at isa-isa itong inaamoy.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon