Chapter 46

3 0 0
                                    

Nakarating agad kami sa beach resort nang 10:30. Hindi naman traffic, natagalan lang talaga kami sa paghihintay kay Jamie. Siyempre sobrang girly niya, ang daming inempake. Literal na isang maleta ang dala niya, at kanina lang siya nag-ayos ng gamit! Naiintindihan ko naman siya dahil kagagaling lang sa contest: pagod at kailangang magpahinga. Pinakain din kami ni Tita (nanay niya) habang hinihintay namin ni Tyler siya. Mabuti nga't hindi mainipin ang isang 'to kung hindi. . . malamang iniwan na namin si Jamie.

Marami na agad na tao pagkarating namin. Lahat ng mga nakikita kong naliligo sa pool o sa dagat, at pagala-gala, ay mga kaklase ko. Balita ko, inarkila ni Freiah ang buong resort para lang magkaroon ng after party.

Niyakap ako ni Freiah pagkakita niya sa amin. "Ang tagal niyo! May ginawa kayo ni Tyler no?!"

Pinamulahan ako sa saad niya. "Wala no!" tanggi ko naman agad.

"Sus!" Hindi pa rin siya kumbinsido sa akin?

"Hinintay lang namin si Jamie."

Siniko niya si Jamie na kanina pang nakabusangot.

"Oh bakit bad trip ikaw?" tanong ni Freiah sa nakakunot-noong si Jamie.

"Nakalimutan ko ang facial mask."

Pano ba naman kasi sa sobrang tagal niyang mag-impake ng mga gamit kanina, nakalimutan niya pang magdala ng facial mask. Palagi niyang nilalagyan ng facial mask ang mukha niya tuwing gabi bago matulog para fresh daw, aniya.

"It's a good thing na may dala ako."

Lumiwanag agad ang awra ni Jamie dahil sa narinig. "Talaga?"

"Ako pa." taas-nong asik nito.

Napapailing na lang ako sa kanila. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit sobrang mahalaga sa kanila ang mga ganyan bagay. Natural na talaga sa kanila na makinis ang balat nila, bakit kailangan pang gumamit ng facial mask o kung anumang pampakinis ng balat?

Wala pang kalahating oras simula nang makarating kami rito, bigla na agad naligo si Jamie sa pool. Ayaw niya raw sa dagat dahil malagkit sa feeling. Jusko po! Ang arte ng babaing ito!

Dahil taong-dagat ako, siyempre sa dagat ako naligo. Sinamahan ako ni Tyler dahil mag-isa lang ako pero lumipat din siya sa pool dahil nandun ang mga barkada niya. Habang pinagmamasdan ko ang buong karagatan, napansin kong may tumabi sa akin. Pag-angat ko ng tingin, nagulat ako dahil si Rence iyon! Akala ko mga kaklase ko lang makikita ko rito, pero pati pala ibang section inimbita ni Freiah.

"Hi, Yana," bati niya.

"Hi."

Dahil medyo napalakas ang hampas ng alon, mula sa pagkakaupo ay bigla siyang napahiga. Hinawakan ko tuloy siya sa braso para naman hindi malakas ang impact ng pagkakahiga niya sa buhangin. Natawa ako dahil sa gulat niyang ekspresyon.

"Tawa pa," aktong naaasar untag niya. Pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran niya, napasigaw naman siya sa sakit. "Ang sadista mo ha!" aniya pa.

Inirapan ko na lang ang mokong. Sus! Ang arte ba! Hindi na nasanay sa akin! "Ewan ko sa'yo, Rence."

Mula sa pagkakanuot ng noo, bigla itong nawala at ngumisi nang sobrang lapad. Kinurot niya ang ilong ko at ginulo ang buhok. "Ewan ko rin sa'yo, Yana."

Umupo na siya nang maayos at nilamon kami ng katahimikan. Biglang sumagi sa isipan ko si Kyle dahil ganito rin kami nitong mga nakaraang araw. Pero hindi naman ako nakaramdam ng awkwardness kay Rence, siguro dahil matagal na kaming magkakilala.

"Inimbita ka ba ni Freiah?" tanong ko.

"Si Tyler nag-imbita sa akin."

Bigla akong natawa dahil sa narinig. "Wow ha. Kailan kayo naging close?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon