Prologue

258 13 1
                                    

Ewan ko ba bakit sa tuwing naririnig ko ang kantang ito, nasisiyahan akong pakinggan ito. Maganda siya at talagang mapapasabay kang kumanta— kung alam mo ang lyrics.

Maganda at totoo. Tagos sa buto kumbaga.

Totoo dahil alam kong nangyari na ito, hindi man sa akin pero sigurado akong nangyari na ito sa ibang tao.

At siguro kaya ito kinompose at kinanta ng isang mang-aawit ay dahil nangyari na rin ito sa kanya.

Pinakinggan ko nang mabuti ang kanta at sinundan kung saan ito nagmumula.

* Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat *

Nakarating ako sa clubhouse.

Kaya pala ang lakas ng tugtog.

Napapangiti ako dahil dito pala nila pinapatugtog ang kantang ito. Pero bakit dito sila nagpapatugtog? Wala namang katao-tao.

Hinayaan ko na lang.

Umupo ako sa hagdan para hindi ako masyadong makita.

* Naalala ko pa noon nag aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento *

Ako, kahit na wala akong kaibigan, ramdam ko pa rin yung awitin. Sa pamamagitan ng pag-iisip ko, masasabi kong isa itong magandang mensahe para sa mga magkakaibigan.

Literal nga na napasabay ako sa pagkanta. Mukha akong baliw dito na mag-isang kumakanta tapos tina-tap ko pa ang daliri ko sa hita ko para sumabay sa beat.

Mag-isa lang ako pero nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

"Huy! Anong ginagawa mo riyan?!"
Napatayo agad ako nang may sumita sa akin. Dali-dali akong nagtago para hindi agad ako mahuli. Pero wala man lang naghabol sa akin.

Hmm. . . weird.

Bumalik ako agad sa clubhouse pero nanlumo na lang ako dahil wala nang nagpapatugtog.

Masaya na sana kung hindi ako nasita kanina.

"Tsk, why are people so boring?!" Kumunot ang noo ko sa narinig. Malakas ang pagkakasigaw kaya kinabahan ako dahil baka ako na naman ang masita. "Does he own this place?!"

Nilapitan ko ang lalaking nagsisisigaw sa galit na kulang na lang ay magwala. Bahagya akong natawa dahil sa itsura niya. Parang maya-maya magbabasag siya ng vase dahil sa mukha niya.

Tsk, sorry na lang Kuya dahil walang babasagin sa clubhouse na ito.

"He's just a guard! He doesn't have to scold me!"

Dahil maingay siya, nilapitan ko na siya.

"Pssst, huy." Galit na bumaling sa akin ang lalaki nang tinawag ko siya. Saglit akong nakaramdam ng takot pero hindi ko ito pinahalata sa kanya. "Mas lalo kang sisitahin kung sisigaw ka pa."

Bumuntong-hininga siya. "Yeah, right. 'Sorry', " sarkastikong saad niya, tapos nag-bow pa!

Wow. Inglishero ang kuya! Sosyalin pa ang mga damit ha!? Mayaman siguro ito. Tsk, sa pananamit pa lang halatang mayaman na.

"Ano bang ikinagagalit mo?" mahinahon kong tanong.

Buti naman hindi na siya galit ngayon. Nakakatakot ang itsura niya, eh. Mukha siyang killer sa lagay niya kanina. "I was just practicing here then a guard came to scold me. Ha! If Mom knows this, he will be damned." bakas sa boses niya ang inis.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon