Chapter 4: Stay

103 11 0
                                    

Umaga pa lang, pinagpapawisan na ako. Ang init kasi! Nanglalagkit na ako, buti naman at may dala akong extrang damit ngayon.

Tinawag ko na ang mga tatakbo para sa halalan at sabay kaming pumunta sa Principal's Office.

"Mrs. Hilton, ito na po sila."

Inikot niya ang swivel chair para makita kami, "Kumpleto na ba sila?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa papel kung saan doon nakalista ang mga tatakbo para sa halalan. Binilang ko sila isa-isa at nang natagpuan kong may isa pang hindi dumarating, hindi ko binasa kung kanino ito dahil kilala ko naman sila lahat, "May isa pa pong kulang."

"I don't want to wait longer. May mga aasikasuhin pa ako kaya Ms. President. . ." baling niya sa akin. "Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kung sino man ang late." Tumango ako. Pinagsalikop niya ang sariling kamay at nilapit sa bibig niya. "I know you're aware of your responsibilities, am I right?" sabay silang sumagot. Pinagmasdan ko silang lahat, may iba na seryoso, yung iba naman, kinakabahan. Mamaya na kasi ang election, kaya malamang kabado ang ilan. "So. . . goodluck," simple niyang saad.

Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero wala akong nararamdamang kaba ngayon dahil kampante na akong wala akong makakalaban. Nang nalaman lahat ng mga estudyante na ako ang magiging President nila hanggang sa ako'y grumaduate, ang daming nagprotesta, lalo na ang mga graduating. Kesyo raw ang unfair dahil first year pa lang, President na.

Tsk, gawin nila ang gusto nilang gawin, wala akong pakialam. Basta ang sa akin, makapasok ako sa paaralang ito nang kakaunti ang mga gastusin, at makagraduate nang matiwasay.

"Alam kong sa bawat posisyon, may isang mananalo," dagdag pa ni Mrs. Hilton. Tumayo siya sa inuupuan niya, pumunta sa unahan ng table niya, at itinungkod niya ang kamay doon bilang suporta. "This isn't a battle for fame, let me remind you that. Kaya kung sino man ang mananalo sa inyo mamaya, siguraduhin niyong ginagawa niyo ang responsibilidad niyo, hindi ang puro pagmamayabang. At doon sa mga hindi. . ." bumuntong hininga siya. "Don't be depressed. Hindi pa ito ang katapusan ng buhay mo. You did well, and I'm sure, you can do better."

Ang bait talaga ni Mrs. Hilton pati rin si Sir Hilton. Pareho silang mababait. Nakakapagtaka nga lang dahil ang anak nila amazona.

Nakangiting sinenyasan ako ni Mrs. Hilton kaya bago magsalita, tumikhim muna ako, "Makikianounce sa mga kaklase niyo na ang miting de avance ay after our first perios at ang election naman ay after break time natin sa hapon."

"Okay, Ms. President," sabay-sabay nilang usal.

Pagkatapos ng meeting namin, saglit akong kinausap ni Mrs. Hilton. Tungkol ito sa gaganaping leadership training. Malapit na ito gaganapin, at ekslusibo lang ito sa mga tumakbong nanalo. At gaya ng nakasanayan, sa labas ng school namin ito gaganapin.

Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto kaya napatalon ako, muntikan na nga akong makapagsabi ng hindi maganda, buti na lang napigilan ko.

AT ANO NA NAMANG GINAGAWA NIYA RITO?!

Hinihingal siya at pinagpapawisan. Ugh, ang tindi na talaga ng kasalanan ko dahil kahit na pawis na pawis siya, napo-pogian pa rin ako sa kanya. Nakakainis kasi siya eh! Bakit ba kahit saan mang anggulo ko siya tignan, walang pangit sa kanya, bukod sa pag-uugali niya?!

"Oh Tyler, you're late," pormal na bati ni Mrs. Hilton sa kanya dahilan para magtaka ako.

Late? Sa klase? Eh bakit pa siya nandito sa Principal's Office kung gayon?

Seryoso siyang umupo sa couch, sa tabi ko pero malayo sa akin. "Sorry, Auntie."

At nanlaki ang mata ko, "A-auntie? H-ha?" naguguluhang tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Tyler at kay Mrs. Hilton, pareho silang walang emosyong nakatingin sa akin.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon