Chapter 36: Panandaliang saya

41 3 1
                                    

Lilipat na kami ng bahay ngayon kaya nag-iimpake na kami ng lahat ng gamit namin. Hindi pa sa akin sinasabi ni Sir Willard at ni Mama kung saan kami lilipat pero excited na ako.

Bukas naman ang dating ni Bridge kaya doble ang excitement na nararamdaman ko.

"Excited ka na ba?" tanong sa akin ni Sir Willard.

"Opo. Sobra." nakangiti kong saad.

"Ma-eenjoy mo talaga ang bagong bahay natin."

Pagkasabi niya ng 'natin', mas lumawak ang ngiti ko. Masaya maging pangalawang tatay si Sir Willard. Sobrang bait, mapagmahal, at maasikaso siya sa amin ni Mama.

"Ready?" tanong niya.

Tumango ako.

Sumakay kami sa kotse niya at tumungo sa bagong bahay. Ito raw ang pa-Christmas gift niya sa amin ni Mama. Kahit ano naman ang ibigay niya, masaya pa rin kami dahil part na siya ng pamilya namin.

Pumasok kami sa isang pamilyar na subdivision.

Wait lang. Ito yung subdivision ng mga mayayaman ah? Saka kilala ko kung sinu-sino ang mga nakatira rito.

Dito nakatira si Tyler.

"Dito po ba tayo titira?" tanong ko sa nagmamanehong si Sir Willard. Tumango siya. So ibig sabihin, magkalapit lang ang bahay namin ni Tyler?

Nadaanan namin ang bahay nila. Huminto na ang sasakyan kaya nagsilabasan kami. Tatlong bahay lang ang layo ng bago naming bahay sa bahay nila Tyler. Makikita ko siya araw-araw! Madalas na kaming magkakasama!

Mae-excite ba ako lalo? Or madidismaya dahil nag-iiwasan kaming dalawa?

Pinasok namin ang buong bahay at namangha ako sa sobrang namangha ako sa laki at ganda nito. Sa amin na ba talaga ito? Dito na ba kami titira? First time lang itong nangyari sa amin ni Mama.

"Yana?" pagtawag sa akin ni Sir Willard "O-okay lang ba?"

Tumango ako nang may ngiti sa labi. "Sobra po. Salamat po!"

"Nak, dito na tayo titira," ani Mama sabay niyakap si Sir Willard. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito. Salamat talaga, Willard."

Habang magkayakap sila, naglibot ako. Simple lang ang bahay pero sobrang laki niya. Doble sa laki ng bahay namin, pero mas malaki pa rin ang kina Tyler. Umakyat ako sa second floor at tinignan isa-isa ang mga kwarto. Marahil isa sa mga ito ang magiging kwarto ko, gusto ko nang malaman kung alin dito. May mga nakahanda nang kama at cabinets, may C.R. din sa dalawang kwarto na napuntahan ko. Yung isa, mas malaki kumpara sa isa. Siguro kina Sir Willard at Mama ito, yung maliit naman ang akin.

Sumampa ako sa kama ng kwartong mas maliit sa isa. Habang pinagmamasdan ko ang kisame, bigla kong naalala ang mga napagdaanan namin ni Mama magmula nang nawala si Papa sa amin.

Puro tuyo ang ulam namin, siksikan ang buong bahay, mabaho ang paligid, nakakahiya kapag may bisita dahil sa sobrang sikip nito — ito ang deskripsyon ko sa bahay namin noong bata pa ako. Nang nakapasok ako sa isang prestihiyosong paaralan, nakapag-ipon nang bahagya si Mama saka kami lumipat ng bahay. Maayos-ayos naman pero masikip pa rin.

Tapos ngayon.

Dito na talaga kami titira.

Nilipat na namin ang lahat ng gamit namin dito sa bagong bahay kahapon. Dumating na rin si Bridge, sinundo namin siya sa airport kani-kanina lang. Nagulat nga ako dahil kasama rin pati si Yesha na akala ko ay hindi sasama. Surprise raw.

As usual, namangha sila sa bagong bahay namin. Pagkarating namin ng kwarto ko, feel at home ang dalawa dahil humiga agad sa kama ko.

Tamang-tama, may handaan mamayang gabi, ipapakilala ko sila sa mga kaibigan ko. Gusto ko ring mag-jamming kami sa pinagtatrabahuhan ko. "Saan nakatira boyfriend mo, te?" tanong ni Yesha.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon