Chapter 40: Marissa

11 3 0
                                    

Napatalon ako mula sa higaan nang may bumukas ng pinto ng kwarto namin. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa nangyari sa akin.

"Ugh, ano 'yon?!" asar na tanong ko habang hinihilot ang sentido.

"Gumising ka na!" asar na untag din ni Dianna. "Kanina ka pa ginigising ha!"

"Anong oras na ba?!"

Pumasok din si Jamie na nakapanggayak na. Nagtaka ako. Katutulog ko lang, gigising din agad? Haist. Gusto ko munang magpahinga.

Tumingin si Dianna sa phone niya at sinabi kung anong oras na. "11:45 na."

Nanlaki ang mata ko. So ilang oras akong natulog?! Ugh. . . "Wait lang," ang sabi ko dahil ang sakit talaga ng ulo ko. Yung feeling na tumitibok ang ulo mo? Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. "Saan ba pupunta?"

"Magla-lunch," ani Jamie.

Sinubukan kong tumayo pero nabigo rin dahil muntikan na akong matumba, mabuti na lamang at inalalayan ako agad ni Dianna. Kunot-noo niyang hinawakan ang noo ko. "May lagnat ka boi."

"Hinaan niyo nga ang aircon." Kinuha ni Jamie ang remote at may pinindot siya rito para pahinaan ang aircon. Wala pa rin, giniginaw pa rin ako. "Hinaan mo pa."

"Girl. . . I turned it off already."

Bumuntong-hininga ako. Humiga ulit ako sa kama, kinuha ang kumot at nagtalukbong. "Kayo na lang ang mag-lunch, okay na ako rito."

"Tatawag na lang kami," sabi ni Jamie.

Naramdaman ko ang pagpatong ng palad ni Dianna sa ulo ko. "Uuwi na rin tayo maya-maya," malambing na aniya.

"Si Angela?"

"Umuwi na sila ni Gi kani-kanina lang."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Agad kong tinanggal ang pagtalukbong ko ng kumot at nakita ko agad ang gulat na ekspresyon ni Diann. "Gi ang tawag mo kay Kuya?" takang tanong nito.

Napansin ko na kinakabahan si Jamie dahil umiwas siya ng tingin kay Dianna. "Uh. . . g-ganyan naman ang t-tawag ng ka-batch niya sa kanya."

"Close kayo?"

Umiling siya. "Bakit ba? Masama bang tawagin siya sa palayaw niya?"

Nagkibit-balikat si Dianna. "Hindi naman, curious lang."

Nakahinga ako nang maluwag dahil tumayo na siya at umalis na silang dalawa sa room. Mabuti na lang at hindi matanong si Dianna.

Habang hinihintay ang pagkain, nakatulog ako.

Naalimpungatan lang ako nang may naramdaman akong dumampi na labi sa noo ko. Pagdilat ko ng mata, ang nag-aalalang Tyler ang tumambad sa akin. May dala siyang tray na nakalagay sa mesa.

"I'm sorry that you're not feeling well today," malungkot na aniya. "It's my fault."

Bumangon ako at naramdaman ko na naman ang pagtibok ng ulo ko. Ugh, ang sakit talaga. Hindi na yata ito simpleng lagnat lang — trangkaso na yata. Nang napansin niyang napapangiwi ako dahil sa sakit ng ulo, hinawakan niya ang dalawang balikat ko para pahigain ako ulit.

"Si Dianna at Jamie?" tanong ko sa kanya.

"They're still eating."

Kumunot ang noo ko. "Bakit nandito ka?"

"Pakakainin ka."

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Pati ba naman dito pinapakilig niya ako? May sakit na nga ang tao eh. "Alam ba nila na nandito ka?" tanong ko na tinanguan niya lang. "Anong dahilan mo?"

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon