Chapter 3: Wrong Person

119 11 4
                                    

A/N:

Happy happy birthday to my dearest friend, _BabaengtagaMars_! Salamat sa suporta mo palagi! :* This chapter is dedicated to you ^_^. Enjoy :*

~~~~

Wala sa sariling napabulalas ako dulot ng sobrang pagkalito. May nagsasabi sa akin na hindi siya si Kyle, na kamukha niya lang ito. Pero mayroon din naman na siya talaga ito, at nandito siya para hanapin at pakasalan ako.

Kung gayon, ayaw ko.

Hindi ako makakapayag na nakabalik na rito si Kyle. Hindi ko alam kung ano ang edad niya pero ang alam ko, magkalapit lang kami nun kaya malamang nag-aaral pa rin iyon hanggang ngayon.

Saka. . . ayaw ko pang mahanap niya ako — o baka ayaw ko na. Dahil alam kong mahal ko si Rence. Siya ang nakapagpalimot sa akin sa masalimuot kong nakaraan. Siya ang tumulong sa akin na mag-move on.

"Hey," nakabalik lang ako sa reyalidad nang tinawag niya ako. Nagulat ako nang nasa harapan ko na pala siya. "Can I sit beside you?"

"Uh. . . the seat's taken," sinusubukan kong maki-go with the flow lang sa pag-Ingles niya.

Tinaasan niya ako ng kilay, "And who owns it?"

"No one owns it but my seatmate sits here," turo ko sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Then from now on, I'll be your seatmate."

Aba't hinahamon ako ng lalaking ito?! Malakas din ang apog niya, ah? Akala niya mapapayag niya ako ng ganun-ganun lang?!

"Saglit lang, maghanap ka pa ng ibang bakanteng upuan," pigil ko nang akmang uupo na siya. "May nakaupo na rito, at hindi ikaw."

"Is that so?" ngumisi siya nang sobrang lapad. Nilingon niya si Sir na nakatingin sa amin. Ngayon ko lang napansin na lahat ng kaklase ko, nakatingin sa aming dalawa, pinapanood ang bangayan namin. "Sir, can I sit here?"

"O-of course, Mr. Concepcion. Wala namang nakaupo riyan."

WHAT THE EFF?! Makisabay ka Sir dahil ayaw kong may katabi ako! Tinitigan ko lang ang lalaki na nasa tapat ko. Walang pasabing bigla na lang siyang umupo sa tabi ko!

"Where do you want me to sit?" bulong niya. Nag-umpisa na sa pagle-lecture ang guro.

"Kahit saan, huwag lang sa tabi ko," seryosong saad ko habang nakatingin sa pisara.

Narinig ko siyang nag-chuckle, "So you want me to sit on the floor?" hindi ako sumagot. Nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa gurong nagtuturo. "Why?"

"Makinig ka na lang."

Natatawa siyang sumang-ayon, "Okay."

Tsk naiinis ako. Bakit ba nagkaroon ako ng katabi?! Sa tanang buhay ng pag-aaral ko, bilang na bilang ko lang sa daliri ang nakakatabi ko. Noong nasa elementary pa lang ako, pumapayag ako pero ngayong highschool na, tsk.

Para saan pa ang pagkakaroon ko ng katabi kung sila mismo, ayaw makatabi ako?

Oo nga, kilala ako bilang President sa school na ito pero hindi ibig sabihin nito ay nirerespeto rin nila ako bilang estudyante. Sino ba naman kasi ang may gustong kumaibigan sa isang mahirap na babae?

Kaya buong araw, inaasar ako ng mga guro. Kesyo first time ko raw magkaroon ng katabi. Tsk, kung alam lang nila.

Sa last subject namin, may nag-announce na may practice ang Iubilate Deo, or ang tinatawag na Music Ministry. Bukod sa SSG, ito rin ang pinagkakaabalahan ko sa school. Ganyan ako ka-busy. Sayang naman ang scholarship ko kung hindi ko papatunayan yung pribilehiyong binigay sa akin diba?

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon