Chapter 37: Prank

34 3 0
                                    

Sobrang bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang siya nag-propose sa akin na maging boyfriend ko, tapos ngayon wala na. Mahigit isang buwan din naging kami then after nun, hiwalay na. Ang bilis no? Hindi naman ako nanghinayang sa bilis ng pangyayari.

Nanghinayang ako sa memories naming dalawa. Matagal siyang nanligaw sa akin, matagal din siyang naghintay sa oo ko.

Ang unang nakaalam sa balita ay si Yesha at Bridge. Nung nalaman nga nila, muntikan nang masugod ni Bridge si Tyler sa bahay nila. "Pastilan! Sabi nang huwag kang sasaktan!" sigaw ni Bridge habang pinipigilan namin siya ni Yesha. "Nangako siya sa akin, Yana, rinig mismo ng dalawa kong tenga! Nangako siya sa akin na kayo pa rin hanggang sa huli!" biglang nabasag ang boses niya kaya nagulat ako nang bigla siyang umiyak.

Niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak na rin. Niyakap din siya ni Yesha.

At lahat kami ay nag-iyakan.

Dumating ang party at yung usual lang ang mga pangyayari. Kainan, kantahan, sayawan. Masaya ang kinalabasan dahil dumating ang mga kaibigan ko, si Rence rin na nagulat sa laki ng bahay namin. Tsk, mas malaki pa rin naman ang bahay nila, mayaman na kaya sila noon pa man. Hindi ko rin inaakala na darating si Kyle, at kasabay niya si Dianna. Hindi ko siya pinansin dahil alam kong kapag ginawa ko iyon, maaalala ko lang si Tyler.

Kinausap ko si Jamie sa garden namin, at doon ko na kinuwento ang lahat. Umiyak din siya nang nalaman ang kwento gaya ng reaksyon ng dalawa kong pinsan. Hindi ko na nagawang umiyak, hindi ko rin alam kung bakit.

Pagkabalik namin ng bahay, pinakilala ko ang mga kaibigan ko sa dalawa kong pinsan. Naging friends din sila agad. Pero dahil kasama ni Dianna si Kyle, pinakilala ko rin siya kay Bridge at Yesha. Nang nagkamayan sila ni Bridge, bumulong siya sa akin. "Ito ang type ko, te."

At magmula nun, hindi na siya kailanman lumayo kay Kyle. Mabuti na iyon kaysa naman kausapin ako ni Kyle.

Dumaan ang Christmas, binigyan ko si Mama at Sir Willard ng regalo, pati rin si Bridge, Yesha, Jamie, Dianna, at Angela. Binigyan din nila ako ng regalo. Nag-date kami ni Jamie sa mall, i-celebrate raw ang pagiging single aniya. Siyempre sinama ko si Yesha at Bridge dahil sila rin ang nakakaalam tungkol sa amin ni Tyler.

Nakuha ni Bridge ang phone number ni Kyle sa tulong ni Dianna. Nung una, ayaw ibigay ni Dianna dahil gago raw si Kyle pero kalaunan ay binigay niya rin. Magmula nun, panay na ang tingin ng pinsan ko sa phone niya. Pansin ko rin naman na nag-eenjoy si Kyle sa pinsan ko.

New Year. Bumili kami ng maraming paputok. Nang tumama ng saktong 12:00 a.m., binati ko isa-isa ang mga kaibigan ko. Hinalikan ko sa pisngi si Mama at Sir Willard, nakipagbeso naman ako sa dalawa kong magandang pinsan.

Kahit na matangkad na ako, tumalon pa rin ako. . . ewan ko lang, nasanay na rin naman ako. Habang pinagmamasdan ko ang mga paputok, napatingin ako sa bahay nila Tyler. Sarado ito, at walang ilaw. Siguro tulog na sila or may pinuntahan.

Paano kaya kung kami pa rin hanggang ngayon? Siguro nasa bahay nila ako ngayon, nakayakap siya sa likod ko, hinahalik-halikan ang pisngi ko, at bumubulong sa akin ng, "Happy New Year, my lady." Pero 'paano' lang naman iyon. Hindi pa rin magbabago itong ngayon.

Bago matulog, binati ko siya ng "Happy New Year." Wala pang isang minuto, nag-ring ang phone ko — at siya ang tumatawag. Nagda-dalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Habang nagri-ring, pinagmasdan ko ang mahimbing na natutulog na si Bridge. Kung gising pa siya ngayon, malamang nahagis na niya ang phone ko. Sa kabila ng pag-alinlangan ko, sinagot ko pa rin ang tawag.

"Hello?"

"Happy New Year," ang sabi niya saka ako binabaan ng tawag.

Three words lang pero enough na para mangilid ang luha ko. Sobrang nami-miss ko na siya pero nami-miss niya ba ako? Siguro kasama niya ngayon si Freiah at nagde-date sila?

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon