Chapter 20: Someday

78 8 0
                                    

"Pumasok ka na." Tinulak ko siya palayo. "Pumasok ka na. Sabihin mo kay Ma'am na pumunta ako ng clinic." utos ko. "Please. Kakausapin ko lang si Jamie."

At pumasok na siya sa room.

Hinanap ko si Jamie. Bigla kasi siyang tumakbo nang nakita niya kami ni Tyler na magkasama at magkahawak ang kamay. Lagot, hindi ko hahayaan masira ang pagkakaibigan namin.

"Jamie!" tawag ko nang nakita ko siyang nakaupo sa hagdan. Umupo na rin ako at tinabihan siya. "Jamie, sorry."

Hindi ko na naman mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Pareho kaming umiiyak — at parehong tao ang iniiyakan namin.

Sasabihin ko na lahat ng katotohanan.

"Y-You said you're just f-friends." niyakap ko siya. "How come I saw you two holding hands?"

"Gusto ko rin si Tyler." pag-amin ko dahilan upang itunghay niya ang ulo.

"May gusto rin ba sa'yo si Tyler?"

Nagkibit-balikat ako. "Umamin siya na may gusto siya sa'kin pero hindi ko alam kung totoo ba iyon."

"Totoo iyon."

Kumawala ako sa yakap at tinitigan siya. "Anong totoo?"

Ngumiti siya sabay punas ng luha. "Totoo yung nararamdaman niya para sa'yo. Mahal ka niya." At may tumulo na namang muli na luha sa mata niya. "Pareho niyong gusto ang isa't isa."

"Sorry, Jamie."

"Huwag kang mag-sorry. Ano bang nagawa mong pagkakamali sa akin?"

"May gusto ka kay Tyler. Tapos nakita mo kami kanina."

Natawa siya. "Kasalanan ba yun?"

"Nasaktan kita."

Tumango siya. "I do have a heart. So it's natural for me to be hurt."

"Sorry talaga, Jamie!"

Yayakapin ko sana siya nang pinulupot niya ang buhok ko sa buong mukha. "Sabi nang huwag kang mag-sorry! How come that you're one of the geniuses in the school yet a slow learner?"

Napakamot ako sa ulo. "Eh. . . hehehehe." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin basta masaya ako ngayon dahil akala ko mag-aaway kami ni Jamie. Bigla kong naalala ang promise naming magkakaibigan. "P-pano yung promise natin?"

"Don't worry, I won't tell."

Napangiti ako sa pahayag niya. "T-talaga?"

Tumango siya. "Huwag lang kayong magpapahalata. Lalong-lalo na kay Gelai. Mapagmasid iyon." Waaaahhhhh! Ang bait bait talaga ni Jamie! Mataray siya pero mas nangingibabaw ang kabaitan niya! "Pero huwag na huwag mong sasaktan si Tyler ha?" Ngumiti ulit siya pero may halong lungkot ito. "I'm giving Tyler to you. Pero ito lang ang favor ko sa'yo. Give him back the love that he's always giving you. He loves you, Yana, I know that, and you should too. "

Tumango ako. "Promise."

"You promised. I hope you won't break that."

"Oo na po."

Bumalik na kami sa room. Sakto namang nag-bell kaya nagsiuwian na ang iba naming kaklase

Bago kami pumasok, naalala ko ang habilin sa akin ni Kuya Gian. Hinila ko ang laylayan ng shirt niya kaya napahinto siya sa paglalakad. "Ang sabi nga pala sa akin ni Kuya Gian na mag-ingat ka raw."

"Tsk. Is that a threat?"

"Hindi ah."

"By the way," dagdag niya. "I confessed to Tyler after the HNTD, but he turned me down."

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon