Chapter 26: Tampo

46 7 0
                                    

Biglang sumakit ang balakang ko, medyo napalakas yata ang pagkakatumba ko kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon.

"Yana, umupo ka nga. Kanina ka pa nakatayo, kaya ka nadadali, eh." utos sa akin ni Dianna.

Napangiti na lang ako kahit nananakit na ako balakang ko. Hindi ko maigalaw nang maayos ang binti ko, at kung uupo ako, mas masakit ang mararamdaman ko.

"Ahh, hindi o-okay lang ako," sinubukan kong ngumiti para hindi nila mapansin na nasasaktan na ako.

"Umupo ka na." pagpupumilit niya. Nang nahalata niyang hindi talaga ako uupo, hinila niya ang kamay ko at bigla akong pinaupo dahilan upang mapa-aray at ngumiwi ako sa sakit. "Putik na, nagkasugat ka ba?" pag-aalala niya.

Napansin ko ang paglapit sa akin ni Rence at dahan-dahan akong pinatayo. "Ihahatid na kita sa clinic."

"Hindi na. Ako na ang maghahatid sa kanya." pagvo-volunteer ni Dianna.

"Ako na." pagpupumilit naman ni Rence.

Dahil alam kong sa away lang tutungo ang lahat, sumingit na ako. "Kaya ko naman, eh. Kaya ko pa. 'Wag niyo na akong ihatid sa clinic." Kaya ko pa naman tiisin ang sakit, ang hindi ko lang kaya ay ang pangyayari kanina.

Nasaktan talaga ako nung hinila ni Jamie ang kamay ni Tyler na tutulungan sana akong patayuin. Pwede naman akong balikan ni Tyler, eh. Pwede siyang bumitaw sa hawak ni Jamie, bumalik sa room, at patayuin ako. Pero mas pinili niyang magpadala.

Kaya kahit masakit itong balakang ko, mas masakit pa rin yung nararamdaman ko.

Parang mas pinapahiwatig niyang mas importante ang laban kaysa sa akin.

"Hindi sana ito mangyayari sa kanya kung inayos niyo nang mabuti ang mga gamit niyo. Kung hindi nawala ang costume, malamang hindi magkakagulo at hindi sana siya masasaktan."

"Hoy, Rence. Bakit ba concerned ka sa kaibigan ko ha? Wala naman na kayo diba?"

"Oo, wala na kami, pero hindi ibig sabihin nun, nawala na ang pag-aalala ko sa kanya."

"Oh tapos?"

Napabuntong hininga si Rence, tila tinitiis na lang si Dianna. Hinawakan ko ang uniform niya at hinila nang bahagya dahilan upang tumingin siya sa akin. Umiling ako. "'Wag," pahayag ko.

Alam ko namang hindi nananakit ng babae si Rence kaya kahit naaasar na siya kay Dianna, pinilit niya pa rin ang magtimpi.

"Kung tunay mo siyang kaibigan, sana sumagi man lang sa isipan mo na nasasaktan siya. Napansin mo naman na iniinda niya ang sakit kanina pa, kaya bakit kailangan mo pang hilahin siya at pinaupo? Bakit hindi mo na lang diniresto sa clinic?"

Napansin ko ang pagsarado ng kamao ni Dianna. Nagtitimpi rin siya. Mabuti na lamang at busy ang mga kaklase namin kaya hindi kami ang center of attention.

Bago magsalita si Dianna, inunahan ko na agad siya. "'Wag niyo na akong ihatid. Kaya ko pa naman, guys."

"Hindi. Ihahatid kita." hinila ni Rence ang kamay ko at pinatayo na ako.

Nagulat ako nang bigla ako nilayo ni Dianna kay Rence. "Baka nakakalimutan mong ex mo siya at ikaw mismo ang nanakit sa kanya? Kaya anong karapatan mo para mag-alala? Sobrang kapal ng apog mo, ha. Ikaw ang naging dahilan kung bakit siya iyak nang iyak. Bilang kaibigan niya, tinatanggalan kita ng karapatan para mag-alala sa kanya."

Nag-smirk si Rence. "You're beimg unreasonable. So shallow."

"Gago to ah!" akmang susuntukin na sana niya si Rence nang sabay naming pinigilan ni Paul ang kamay niya. Agad naman siyang nagpumiglas. "Bitawan niyo nga ako!"

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon