Chapter 27: I won't

54 7 0
                                    

"Yana? Yana! Please. . ." hinawakan ako ni Jamie sa wrist upang patigilin ako sa paglalakad pero marahas ko itong hinawi agad. "Wala yun! Lahat ng nakita mo, part lang ng performance yun."

"Oo nga eh, performance lang yun," nakasimangot kong saad. "Pero para sa akin, hindi. Jamie, hindi."

"There's no other way!"

"Maraming paraan ang dapat niyong gawin pero pinili niyo pa rin ang ganung klaseng sayaw!" anas ko. "Ganti mo ba ito sa akin, ha?"

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto mo pa rin ba hanggang ngayon si Tyler? Tapos nagkataon na kayo ang pinag-partner sa contest kaya you just grabbed the opportunity? Tama ba ako?"

"H-Hindi! Wala na akong gusto kay Tyler!"

"Kung gayon, dapat alam mo ang limitations mo," at tuluyan na akong nagwalk-out.

Bukod sa nagseselos ako dahil sa napanood, galit ako. Galit ako kay Tyler dahil wala siyang nagawa sa lahat ng bagay. Hindi man lang niya sinabi na magiging ganun pala ang performance nila. Galit ako kay Jamie dahil magkaibigan kami pero nagawa niya pa rin iyon kay Tyler eh alam naman niya ang relasyon namin.

Galit ako sa sarili ko, sobra. Galit ako dahil kung hindi ko nagawa ang lintek na pangakong bawal magka-boyfriend at ma-inlove, naipagsigawan ko na siguro kanina pa na may relasyon kami ni Tyler. Galit ako sa sarili ko dahil gumawa ako ng isang desisyon na pinagsisihan ko nang sobra.

Habang naglalakad ako palabas ng campus, nakasalubong ko si Demius. Nakangiti niya akong binati pero agad din iyon napawi. "Snob mo?"

"Wala lang ako sa trip. Uuwi na muna ako."

"Ha? Bakit?"

"Masama ang pakiramdam ko," ngumiwi ako para makumbinsi siya sa palusot ko.

"Sige, magpagaling ka. Yung The Voice nga pala, na-move. Bukas na raw ang performance."

"Bakit?"

"May mga activity pa raw mamaya, eh. Timing na timing sa'yo." nginitian ko lang siya at nagpaalam na uuwi na.

Kahit may The Voice ngayon, wala pa rin akong ganang mag-perform dahil sa napanood ko. Nakakagulat din dahil hindi ako umiyak kahit ang sakit-sakit na. Dahil siguro ito sa balakang kong kumikirot pa rin hanggang ngayon.

Pagkauwi ko ng bahay, humilata agad ako sa sofa at doon inilabas lahat ng mga masasakit kong nararamdaman.

Wala rito si Mama dahil nagtatrabaho pa siya. Mamayang gabi pa iyon makakauwi. Naiiyak na tuloy ako. Kailangan ko ng karamay ngayon, yung nakakaalam lang ng sikreto ko.

Nakaramdam ako ng vibration sa bulsa ko. Nang binasa ko kung kanino galing ang message, napaluha ako dahil nalaman kong galing ito kay Tyler.

From: Nunal

Where are you? Please, let's talk.

Tapos bigla siyang tumawag. Pinatay ko na lang ang phone ko at tinanggalan ng battery para hindi na siya makatawag pang muli. Ayokong kausapin siya ngayon. Kailangan ko munang mapag-isa at isipin kung ano ang gagawin ko sa kanya. Alam ko namang patatawarin ko siya, ang hindi ko lang alam ay kung paano.

Sa paghilata ko sa sofa, nakatulog ako.

Naalimpungatan ako namg narinig kong may naglalakad sa loob ng bahay namin. Napatayo ako agad dahil feeling ko may magnanakaw.

"Hey."

"PUSANG GALA!" Napatalon ako sa gulat. Akala ko magnanakaw, si Rence lang pala."Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?"

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon