Chapter 16: Dito

55 8 0
                                    

Yumuko pa ako lalo para hindi niya mapansin. Yung puso ko, sobrang bilis ng tibok. Panigurado ako na kapag nakita niya ako, ganun na naman ulit ang gagawin niya sa akin.

"You may take your sit at the back." Ani Sir.

Napansin ko ang pagtaas ng kamay ni Jamie. "Sir, wala na pong bakanteng upuan dito."

"Sino bang pwedeng utusan ko sa inyo?" tanong ni Sir.

Bigla namang sumingit si Oscar. "Sir, ako na po."

"Oh sige. Makikitawag naman si Sir Bobet. Pasabi kailangan ng isang desk."

"Yes, Sir." At umalis na siya ng room upang hanapin si Sir Bobet.

Nakahinga ako nang maluwag. Imposible namang hindi niya ako mapapansin, magiging kaklase ko siya nang isang taon kaya kailangan kong ihanda ang sarili.

"Hey," siniko ako ng katabi ko. "What's wrong?"

Nginitian ko siya upang ipakita sa kanya na okay lang ako. "Wala."

Nang nakarating na si Oscar, kinabahan na naman ulit ako. "Doon ka sa tabi ni Mr. Garcia." At malapit ito sa pwesto ko! Gusto ko nang lumipat ng ibang school.

Habang papunta siya sa pwesto, bitbit niya ang desk. Dahil dito, nadedepina ang muscles niya sa braso. Tsk, hindi naman siya gwapo, bakit ang daming kinikilig sa kanya? Pagkaupo niya, nagtama ang paningin namin kaya agad din akong umiwas.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Magdamag akong hindi lumilingon sa pwesto nila Dianna. Sa tuwing kakausapin nila ako, hindi talaga ako lumilingon kaya wari ko, nagtataka na sila sa mga kinikilos ko. Nakikita ko kasi sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Oscar tapos nakangisi siya!

Kinikilabutan ako.

Nang maglunch, pumunta ako ng canteen para bumili ng tubig. Nadaanan ko yung gym at naroon yung mga varsity, naglalaro. Sa dinami-rami ng mga varsity sa loob, si Rence ang una kong napansin. Wala siya sa mood maglaro. Ang tamlay niya tignan. Anong mayroon?

Kinakausap siya ng coach nila, pinapagalitan siguro. Hindi pa kasi siya nakaka-shoot ng isang bola sa ring.

Pagkatapos kong bumili ng tubig, pumasok ako sa loob ng gym. Walang nakapansin sa akin dahil busy ang lahat sa pagpa-practice pero kalaunan, kinawayan ako ni Seth. Kasali rin siya sa varsity.

"Yana!"

"Hi, Seth." Bati ko.

"Nakakain ka na ba?"

"Ah hindi pa." tumingin ako sa phone ko para malaman kung anong oras na. "Maaga pa naman." Niyaya niya akong umupo sa risers kaya umupo na ako. Tumabi siya sa akin saka pinunasan ang pawis niya. Pinapanood ko si Rence na maglaro. Bakit ba wala siyang gana?

Nasa kanya na ang bola ngayon, tumalon siya at pinasok ang bola sa ring. Napangiti ako dahil nakakaya pa rin naman niyang mag-dunk, pero bigla na lang itong nawala dahil sumala ang pagbasak ng paa niya.

"Aray." Narinig kong bulong ni Seth.

Napatayo ako at mangiyak-ngiyak siyang nilapitan. Namimilipit siya sa sakit.

"Rence," usal ko.

Tinulungan siya ng mga ka-varsity niyang tumayo saka pinaupo sa risers.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis niya. Habang ginagawa ko iyon, nanginginig ang kamay ko at nanlalabo ang paningin. "M-magpahinga ka m-muna." Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil kung titingin ako, masasaktan lang ako.

The Promise (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon